Ang ASPAC ay isang bloke ng mga pamahalaang papet ng imperyalismong Amerikano
Sa komperensiya ng mga ministro ng Asian Pacific Council (ASPAC) sa Kawana, Hapon, noong nakaraang buwan, gumawa ang Kalihim Panlabas na si Carlos P. Romulo ng isang nakakalokong mungkahi na sumanib ang Republika ng Mamamayan ng Tsina sa ASPAC.
Ang retorikong tanong na ito ng isang utusang aso ng imperyalismong Amerikano ay isang paghamak sa Republika ng Mamamayan ng Tsina at sa mamamayan ng Tsino na pinamumunuan ng Tagapangulong Mao.
Ang ASPAC ay isang agresibong bloke na hawak ng imperyalismong Amerikano sa pamamagitan ng junior partner nito, ang imperyalismong Hapones, at sa pamamagitan ng buong pagkakasapi nito na binubuo ng mga pamahalaang papet. Ang Republika ng Mamamayang Tsina ay lubos na hindi magkakaroon ng anumang pakikitungo sa isang bloke ng mga papet na rehimen tulad ng sa Hapon, Pilipinas, New Zealand, Australya, Timog Korea, Saigon at Chiang Kai-shek maliban sa labanan ito.
Ang nakalolokong pahayag na ito ni Romulo ay tantiyang magbibigay ng isang maling impresyon na ang ASPAC ay malaya sa kapangyarihan ng imperyalismong Amerikano. Ang pinakabobong hangal lamang ang hindi makakakita sa kasinungalingang ito.
Ang ASPAC ay itinatag bilang karagdagang pwersa ng isang SEATO na naging inutil na bilang isang kasangkapan ng pananalakay ng Estados Unidos. Pinatutunayan ni Romulo ang sarili bilang isang manloloko sa pagpapahayag na ang ASPAC ay isang organisasyong “walang ideolohiya” at “hindi militar”.
Isang taktika ng imperyalismong Amerikano upang palabasin na ang Republika ng Mamamayan ng Tsina ay sabik na sabik na sumanib sa ma organisasyong kontrolado ng Estados Unidos tulad ng ASPAC at ng United Nation.