Isasakatuparan ang pakikibaka laban sa makabagong rebisyonismo hanggang wakas
Ang mga taksil na rebisyonista ay lumilikha ng gulo rito at sa buong daigdig at walang-kahinatnang nagsisikap na hadlangan ang matagumpay na pagsulong ng rebolusyong demokratiko ng bayan sa Pilipinas at ng pandaigdigang rebolusyong proletaryo.
Imposibleng malabanan at magapi ang imperyalismong Amerikano at ang katutubong reaksiyon nang hindi lalabanan at magagapi ang makabagong rebisyonismo.
Ginagawa ng makabagong rebisyonismo ang natatanging tungkulin ng pagpapahina at pagsabotahe sa kilusang rebolusyonaryo mula sa loob para sa imperyalismong Amerikano at katutubong reaksiyon.
Sa loob ng mahabang panahon sa Pilipinas, iniligaw ng Lavaismo at Taruc-ismo–ang dalawang pinakamalaking pinagbubuhatan at base ng makabagong rebisyonismo–ang rebolusyong Pilipino at dinungisan ang karangalan at prestihiyo ng Partido Komunista ng Pilipinas. Sa kasalukuyan, patuloy pa rin nilang hinahadlangan ang pagsulong ng kilusang rebolusyonaryo sa pamamagitan ng paggulo ng kaisipan ng mga kaibigan ng rebolusyon, ng pagkakalat ng paninira laban sa mga rebolusyonaryong kadreng proletaryo ng pataksil na pagsusumbong sa kalaban at ng mga pananakot.
Ang dalawang “mapansariling kaharian” ng taksil na rebisyonistang pangkat Lava at ng pangkating Taruc-Sumulong, kahit na may sariling kontradiksyon, ay patuloy na umaatake sa Partido Komunista ng Pilipinas na pinapatnubayan ng Kaisipang Mao Tsetung sa pamamagitan ng paggamit ng magkaparehong maruruming taktika.
Habang lumilitaw na ang pangkating Taruc-Sumulong ay ang lalong mapanganib sa dalawang taksil na rebisyonistang pangkating Lava, sa katotohanan ang siyang lalong mapanganib para sa partido ng Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung. Ito ay walang humpay na nagpapatupad ng mga gawaing rebisyonista sa ideolohiya, sa pulitika at sa organisasyon at ang pakitang-dunong nito ay nakapanggugulat sa peti-burgesya at pambansang-burgesya na karaniwang nagsisilbi bilang sandigan ng suhetibismo at oportunismo, at nagsisikap itong palaganapin ang diwa ng repormismo sa hanay ng mga magsasaka at mga manggagawa. Sa katayuan ng pangkating Taruc-Sumulong, ito ay lubos na nawalan na ng anumang batayan ngayong ito ito’y naging ganap na gang ng krimen na lamang.
Dinadala ng taksil na rebisyonistang pangkating Lava ang pagtangkilik ng imperyalismong sosyal ng rebisyonistang Sobyet. Kahit ito ay bagbag ng mga kontradiksyong panloob, ang isang mayorya sa loob pa rin ang nagpapasiya sa katangian ng pangkat bilang papet ng imperyalismong sosyal ng rebisyonistnag Sobyet. Kahit ito ay bagbag ng mga kontradiksyong panloob, ang isang mayorya sa loob nito pa rin ang nagpapasiya sa katangian ng pangkat bilang papet ng imperyalismong sosyal ng rebisyonistang Sobyet. Ang reaksiyonaryong pamahalaan ay may kinalaman at nakapagpadala, sa tahimik na pagsang-ayon nito ng limang “lihim” na delegado sa “Pandaigdigang Komperensiyang Komunista” na inorganisa ng taksil na rebisyonistang pangkat ni Brezhnev.
Ang taksil na rebisyonistang pangkating Lava at ang tagapagkalat ng walang salang atake laban sa Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung. Sa bawa’t pagkakataon, ipinagtatanggol nito ang pinakamasisilaw na kilos ng imperyalismong sosyal ng Sobyet tulad ng pananalakay na Sobyet laban sa mga mamamayang Tsino sa mga hanggahan ng Tsina.
Ang taksil na rebisyonistang pangkating Lava ay natatalagang makinabang nang pansamantala sa “bagong” patakarang panlabas ng reaksiyonaryong pamahalaan at ang kasalukuyang mga pagtatangkang “gawing legal” ang Partido Komunista ng Pilipinas. Ang mga prinsipal na lider at tauhan ng pangkating ito ay lantad na nasa payroll ng reaksiyonaryong pamahalaan, sa pamantasan ng estado, sa mga grupong “brain trusts” ng matataas na reaksiyonaryong pulitiko at sa mga negosyo.
Kinakailangang panatilihin ng partido ng Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung ang isang pangmatagalang pakikibaka laban sa makabagong rebisyonismo, ito man ay tatak Lava o Taruc-Sumulong. Lahat ng rebolusyonaryong kadreng proletaryo ay dapat laging manindigan sa diwa ng pagsasakatuparan ng kilusang pagwawasto at pakikibaka sa makabagong rebisyonismo, Lavaismo at Taruc-ismo hanggang wakas.
Sa ilalim ng kasalukuyang kalagayan, ang mga tagapagmana at tagapagpalaganap ng Lavaismo at Taruc-ismo ay may katigasang maaaring maging mapanganib para sa mga tunay na Marxista-Leninista kung walang pangmalagiang rebolusyonaryong pagmamatyag at masiglang pakikibaka laban sa kanilang mga intriga at makinasyon.
Ang mga rebolusyonaryong kadreng proletaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas ay dapat maging matatag sa pagbubuo at pagpapatibay ng Partido. Sapagka’t nasasandatahan sila ng Kaisipang Mao Tsetung, dapat nilang palakasin ang Partido sa ideolohiya, sa pulitika at sa organisasyon sa pamamagitan ng matatag ng pakikibakang pangmasa laban sa makauring kaaway.