Itinaas ng Central Bank ang rediscount rate sa 10%

,

Itinaas ng Monetary Board ng Central Bank ang rediscount rate mula sa 8 bahagdan upang maging 10 bahagdan. Ito ay nangangahulugan na ang sistema ng pananalapi ng Pilipinas ay malapit nang bumagsak.

Napakakitid na ang palugit para sa mga bangkong komersiyal na makatubo. Ang maksimum na interes na maari nilang singilin sa mga may garantiyang pautang ay 12 bahagdan at sa mga walang garantiya, 14 bahagdan.

Ang pagtaas ng rediscount rate ay nagkaroon ng tanging epekto nang pagpapakitid ng credito at pagpapahina ng negosyo. Ito ang pinakamataas na rediscount rate sa buong kasaysayan ng Central Bank.

Ginawa ang kilos na ito ng Central Bank bilang isang hakbang na pumigil sa pagkaubos ng nakaimbak na dolyar at pagbagsak na halaga ng peso.

Ito ay isang mababaw na kilos sa pagkontra sa epekto ng pandaigdigang krisis sa pananalapi. Ang dolyar mismo ay labis nang nababawasan ng halaga sa loob ng labinglimng taon dahil sa patakarang imperyalista at pagtatapon ng salapi ng pamahalaan ng Estados Unidos ay gumagawa ngayon ng lahat ng paraan upang ilipat ang pasanin nito sa mga pamahalaang papet nito.

Itinaas ng Central Bank ang rediscount rate sa 10%