Itinatag ang pansamantalang rebolusyonaryong pamahalaan ng Timog Biyetnam
Ang Pansamantalang Rebolusyonaryong Pamahalaan ng Timog Biyetnam ay iprinoklama at pumalit kaagad sa Pambansang Mapagpalayang Hanay ng Timog Biyetnam mula sa luklukan nito sa talakayan sa Paris.
Ang mananalakay na Estados Unidos at ang papet na pamahalaang Saigon ay napakadaling ipinalagay ito bilang pagpapalit lamang ng pangalan. Nguni’t ang katotothanan ay ang pagkakatatag ng pansamantalang rebolusyonaryong pamahalaan ay nagsasalamin sa higit na malakas na pagpapatibay at higit na malawak na pagtatagumpay ng pakikibaka ng mamamayan ng Timog Biyetnam laban sa pananalakay ng imperyalismong Amerikano.
Ang mahabang opensibong Pantagsibol ng Mapagpalayang Sandatahang Lakas ng Bayang Timog Biyetnam ay lalong gumiba sa mga pwersang mapanalakay at pinatibay ang demokratikong lakas ng bayan sa labas ng mga natitirang kuta ng imperyalismong Amerikano. Ang pangkasalukuyang opensibong pantag-araw ay malapit nang tuluyang makapagwasak sa natitirang kuta ng mga imperyalistang Amerikano at natatakdang maging higit pang matagumpay kaysa sa opensibong tagsibol.
Habang ang matatag na sandatahang pakikibaka ng mamamayang Biyetnames ay sumusulong sa sunod-sunod na tagumpay, ang administrayong Nixon ay nagtatangkang mapawalan ang kasinungalingang “pag-urong ng tropa” at paghingi ng konsesyon, tulad ng pagkakaroon ng “halalan” sa ilalim ng “magkasanib na pamamahala” ng papet na pamahalaang Saigon at Pambansang Nagkakaisang Hanay upag makapaglikha ng pamahalaang koalisyon.
Matapos ang komperensya sa Midway ng hari-harian ng imperyalistang Amerikanong si Nixon at ng hari-hariang papet sa Saigon na si Nguyen Van Thiou, ang “pag-urong” ng 25,000 tropang Amerikano ay inihayag ni Nixon at Thiou habang naghahanda si Thiou para sa “halalan” sa pamamagitan ng paglikha ng “alyansa” sa ilalim ng kanyang lakas pandiktadura.
Sa yugtong ito ng pakikibaka ng mga mamamayan ng Timog Biyetnam tungo sa pambansang katubusan mula sa Amerikanong pananalakay, ang Pasamantalang Rebolusyonaryong Pamahalaan ay dapat na manindigan sa awtoridad at tuwirang lakas nito at humiling ng ganap na pag-urong ng lahat ng tropang Amerikano at mga kaalyado nitong mapanalakay at ang pagkakalusaw ng papet na pamahalaang Saigon.
Ang magigiting na mamammayan ng Timog Biyetnam ay may kakayahan at karapatang isakatuparan ang mga ito labas sa talakayan sa Paris. Ang Proklamasayon ng Pasamantalang Rebolusyonaryong Pamahalaan ay higit sa pagpapalit ng pangalan at magbubuo ng isang pagsulong kung ipaglalaban nitong mabalewala ang lahat ng tikas ng papet na pamahalaang Saigon.