Lumalakas ang hukbong mapagpalaya ng bayan ng Taylandia
Walang pang-apat na taon mula nang ang unang rebolusyonaryong putok ng riple ay narinig sa Taylandia noong 1965 sa bundok Pupan sa hilagang-silangang Taylandia, ang lagablab ng sandatahang pakikibaka ay kumalat na sa 33 ng 71 probinsya ng bansa. Ang sandatahang lakas ng mamamayan ng Taylandia mula noon ay patuloy na nagtaas sa kasanayang panagupa nito sa paglipol ng kalaban sa takbo ng kanilang pakikibaka.
Alinsunod sa mga di-kompletong ulat, noong 1968 ang sandatahang lakas ng mga mamamayan ay nakalipol na ng mahigit na 1,400 na sundalo na kaaway at nakapagpabagsak ng 25 sasakyang panghimpapawid ng kaaway. Sa loob ng apat na buwang nagtatapos sa Marso ng taong ito ang mga pwersang bayan ay nakalipol na ng mahigit na 400 sundalo ng kaaway at mahigit na 30 sasakyang panghimpapawid sa mababangis na pakikipagsagupaan laban sa mga kampanya ng pangungubkob at panunupil na inilunsad ng kaaway sa tatlong probinsya sa kahilagaan.
Ang mga sonang gerilya at mga baseng lugar na lumalaganap na sa buong kalawakan ng mga bukirin ng Taylandia ay patuloy na pinalalaki at pinatitibay sa pamamagitan ng mga wastong linyang pampulitika at militar ng Partido Komunista ng Taylandia sa pamamatnubay ng Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung na inuugnay ng rebolusyon ng Taylandia.
Sa lubusang pagpapairal ng patakaran ng Partido sa pagtitiwala sa mga masa at pagtitiwala sa sariling pagpupunyagi, ang maraming kahirapan ay napangingibabawan ng Hukbong Mapagpalaya ng Bayan ng Taylandia, na itinatag sa pamamagitan ng puspusang pagpupunyagi ng Partido Komunista ng Taylandia at pinahayag na natatag nitong Bagong Taon pa lamang, at nagapi nito ang malakihang mga kampanya sa “pangungubkob at panunupil” na inilunsad ng kaaway at nagkamit ng higit na marami pang tagummpay. Sa kabila ng superyoridad sa bilang at kagamitan ng mga sundalo ng imperyalistang Amerikano at mga reaksyonaryo ng Taylandia, laging napananatili ang sandatahang lakas ng mga mamamayan ang kanyang inisyatibo at laging nangunguna sa larangan ng digmaan.
Batay sa lubusang pagpupukaw ng masa, nagpadala ang sandatahang lakas ng mga mamamayan ng maraming nasasandatahang pangkat ng propaganda at paggawa upang tumungo sa loob ng mga malayang bukirin, ibinunyag nito sa maraming kaparaanan sa harap ng mga magsasaka ang kriminal na paghahari ng imperyalismong Amerikano at reaksyonaryo ng Taylandia, pamunuan at tangkilikin ang pakikibaka ng mga magsasaka laban sa mga traidor at lokal na despota at organisahin ang mga magsasaka sa takbo ng mabangis na pakikibaka.
Sa pagtangkilik ng malawak na masa ng Hukbong Mapagpalaya ng Bayan, lalung-lalo na ang mga magsasaka, mabilis na lumaki ang Hukbong Mapagpalaya ng Bayan sa pamamagitan ng pag-aaral ng pakikidigma sa pamamagitan ng pakikidigma, ng palagiang paglalagom ng karanasan, pagpapataas ng kamulatang pampulitika at ng pangungunang estratehiko at pantaktika nito at ng pagsasandata sa sarili sa pamamagitan ng mga armas na nasamsam sa kaaway.
Ang Hukbong Mapagpalaya ng Bayan ng Taylandia na pinamumunuan ng wastong Partido Komunista ng Taylandia ay nagbibigay halimbawa sa mga nasaping mamamayan ng daigdig kung paano mapangingibabawan ang iba’t-ibang sagabal sa landas ng rebolusyon at nang sa huli ay maibagsak ang kriminal na paghahari ng imperyalista at katutubong reaksyonaryo at makamit ang ganap na kalayaan pagkatapos ng isang mahaba at matatag na pakikibaka.