Mga militanteng estudyanteng Amerikano lumahok sa pakikibaka ng mga manggagawa sa Estados Unidos
Isang bagong daluyong ng progresibong kilusang ng mga estudyante sa Estados Unidos ang umahon nang ang malaking bilang ng mga estudyanteng Amerikano ay nagsimulang iugnay ang kanilang pakikitunggali sa pakikipag-tunggali ng mga manggagawa. Ibang-iba sa mga nakaraan taon, ang ulo ng salakay ay nakapuntirya sa mga reaksiyonaryong patakaran ng pangkat ng monopolyong kapitalistang Amerikano. Ibinunyag ng libu-libong mga estudyanteng Apro-Amerikano, kaalinsabay ng kanilang mga kasamahan, ang katotohanan tungkol sa paggamit ng mga unibersidad bilang mga kasangkapan ng imperyalistang pananalakay at pandirigma ng Estados Unidos sa mga ibayong bansa. Inilantad pa rin ng mga estudyante ang bulok na kapistalistang sistema ng edukasyon at ang patakaran ng diskriminasyong rasyal.
Kahit ang mga estudyante ng Harvard University, na itinuturing na “halos liway sa mga rebelyong dumaan sa mga kampus ng buong bansa”, ay sumama na sa mga estudyanet ng Columbia, Princeton, Cornell at dose-dosena pang mga pamantasan, kolehiyo at mataas na paaralan sa buong bansa upang ilantad ang kabulukan ng sistemang edukasyong Amerikano.
Ang isang natatanging pagpapatunay kung gaano katindi ang mga kontradiksyon ng uri sa Estados Unidos at kung paano naging mapagmatyag ang mga progresibong estudyante ay ang paghawak ng mga sandata ng mga estudyanteng Apro-Amerikanong lubhang naapi at ang matatag na pagtangkilik na tinatanggap nila mula sa mga estudyanteng puti at mula sa mga manggagawa nang walang pagsasaalang-alang ng kulay. Kaalinsabay nito, maraming mga estudyanteng huminto ng pag-aaral upang tumulong sa mga aklasan ng mga manggagawa upang masiglang manungkulan sa pakikitunggali ng mga manggagawa. Sa ibang mga lugar, kung ang mga aklasan ng mga mangagawa ay di-makatarungang sinusupil sa pamamagitan ng mga aksiyun sa husgado, ang mga progresibong estudyante ay nagbubuo ng piket sa harap ng mga korte at nagkakalat ng mga polyeto upang tangkilikin ang pakikibaka ng mga manggagawa. Sa kabilang dako, sa isang natatanging kaso, binigyan ng pagtangkilik ng mga manggagawa sa San Francisco ang mga nag-aaklasang estudyante sa San Francisco State College.
Sa lahat ng mga demonstrasyon ng mga estudyante, ang mapanupil na bisig ng reaksiyonaryong pamahalaang Amerikano, na ang pinakahari ay si Nixon, ay ginagamit upang sugpuin ang mga estudyante. Malaking bilang ng mga progresibong estudyante ang binubugbog at hinuhuli ng reaksiyonaryong pulisya. Nguni’t ang mga militanteng estudyante ay hindi natatakot at ipinakikita nila ang kanilang pagkamapagmatyag sa pamamagitan ng kanilang pagsasandata sa sarili ng mga riple, shotgun, palakol at sibat.
Ang mabangis na panunupil sa mga estudyante ng reaksiyonaryong pamahalaan ng Estados Unidos ay lalong magpapalakas sa mga estudyanteng Amerikano sa kanilang makatarungang pakikipaglaban para sa kanilang mga karapatan at para sa karapatan ng mga uring inaapi sa Estados Unidos.
Sinabi ng Tagapangulong Mao: “Ang kilusan ng mga estuDyante ay kabahagi ng buong kilusan ng mga mamamayan. Ang pagsulong ng kilusan ng estudyante ay di-sasalang nagtutulak sa pagsulong ng buong kilusan ng mga mamamayan”. Maliwanag na naipakikita ng mga progresibong estudyanteng Amerikano ang katotohanan ng dakilang pangungusap na ito.
Karugtong