Pinatotohanan ng pangkulturang misyong Sobyet ang estratehikong alyansa ng imperyalismong Amerikano at imperyalismong sosyal ng Sobyet
Lalong maliwang ang estratehikong alyansa ng imperyalismong sosyal ng Sobyet at imperyalismong Amerikano nang idineklara ng papet na Presidente Marcos sa pangkulturang misyong Sobyet, na binuo ni Dr. Evgeny Ivanov, Dr. Julie Letonova at Alexander Kalov Philippovich, na “kami ay umaasa na magkakaroon ng higit na marami pang korespondensya, pangkulturang palitan at mapagkaibigang ugnayan.”
Sa kanilang pakikipagtagpo sa presidenteng papet noong ika-28 ng Hunyo, pinagsamantalahan ng pangkulturang misyong Sobyet na hamakin ang Republika ng Mamamayan ng Tsina bilang isang maruming hakbang na panuyo sa reasyonaryong local.
Saan man sila nagpunta, pinagsamantalahan ng pangkulturang misyong Sobyet na magpahayag ng mga ilang pananalita laban sa Tagapangulong Mao, sa Partido Komunista ng Tsina at sa Republika ng Mamamayan ng Tsina at gumawa ng mga iba pang reaksiyonaryong pahayag.
Sa Philippine Military Academy, na kung saan sinanay ang mga mangangatay ng mamamayan, inilarawan ni Ivanov na pinuno ng misyon ang mga reaksyonaryong kadete militar bilang “mga makabayan na tumutugon sa panawagan ng inangbayan.” Sa Unibersidad ng Pilipinas, na kung saan binabatikos ng mga mag-aaral at guro ang mga reaksyonaryong awtoridad akademiko at ang kanilang mga patakaran, pinuri ng pangkulturang misyong Sobyet nang walang reserba ang institusyon at ipinahiwatig nito sa mga reaksyonaryong burukratang akademiko ang hangarin ng naghaharing rebisyonistang pangkkat ng Sobyet na magkaroon ng ugnayang pangkultura tulad ng mga ahensya ng Estados Unidos sa pangkulturang pananalakay.
Binuksan din sa Maynila ng pangkulturang misyong Sobyet ang isang eksibisyon ng kontra-rebolusyonaryong sining ng mga rebisyonistang pintor ng Sobyet. Sa pakikipagtagpo kay Marcos , tiniyak ng misyon sa “Unang Ginang” ang pagdating ng Holshoi Ballet upang gumanap sa pagbubukas ng kangyang Cultural Center.
Sa pakikipanayam sa mga opisyal ng reaksyonaryong gobyerno, sa pagdalo sa mga pagtitipong sosyal at sa pagtikim ng bulok na buhay ng mga reaksyonaryong Pilipino, ang pangkulturang misyong Sobyet ay laging masigasig na sinasamahan ng dalawang anti-Komunista na sina Dip.Carmelo Barbero at Dip. Constantino Navarro, at mga ilang “progresibong” tao na dati-rati’y nangompila ng Enverga Report.
Ang mga iba pang palagiang kasama ng pangkulturang misyong Sobyet ay mga dalagang anak ni Dip. Carmelo Barbero at Heneral Ismael Lapuz, hepe ng National Intelligence-Coordinating Agency at kilalang ahente ng CIA. Ang mga anak ng dalawang anti-Komunistang ito ay nangunguna sa mga Pilipinong mag-aaral sa Frienship University ng Mosku.
Ang pangkulturang misyong Sobyet ay isa lamang sa serye ng mga misyon na magsasakatuparan sa mga pakanang imperyalista sosyal ng taksil na rebisyonistang pangkat ni Brezhnev. Ipinahayag ng misyon ang malaking tiwala na magkakaroon sa madaling panahon ng ugnayang pangkalakalan at diplomatiko ang Union Sobyet at Pilipinas.