Sumusulong ang pakikibaka ng mga mamamayang Palisteo
Ang pamatnugutan ng Sandatahang Pakikibakang Palisteo ay naglabas ng isang pahayag na nag-uulat na noong Mayo ang kumandong pwersang “Al Assifa”, ang Mapagpalayang Lakas ng Bayan, ang mga pwersang ” Al Saeqa”, at ang mga puwersa ng Demokratikong Prenteng Popular para sa Pagpapalaya ng Palisteo ay naglunsad ng 208 na paglusob laban sa mga mananalakay na Israeli.
Sa panahong ito ang mga pwersang kumandong Palisteo ay umatake o nagwasak sa 132 barak at puesto, pinasabog ang anim na ammunition depot, 63 puesto ng artillery at machinegun at 144 sasakyang militar. Winasak din nila ang tatlong pagawaang Israeli at walong tulay.
Habang ang sandatahang pakikibaka ng mga mamamayang Palisteo laban sa Sayonismo ng Israel ay sumisidhi, ang apat na bansang-lakas, ang Estados Unidos, Unyong Sobyet, Pransiya at Gran Britanya sa pamamagitan ng kanilang mga kinatawan ay patuloy na nag-uusap sa Nueba York at gumawa ng maneobra upang pigilin ito sa pamamagitan ng pagbabalangkas ng isang “mapayapang solusyon” o “kasunduang pampulitika”.
Kagyat ang pagtugon ng mga rebolusyonaryong mamamayang Arabo sa maruming pakanang ito ng imperyalismo. Tinutulan nila ito bilang isang bagay na hindi naiiba sa mga nakaraang pakana, tulad ng mga “resolusyon” ng United Nations, ng “pormula” ng imperyalismong Amerikano, ng “plano” ng rebisyonistang Sobyet at ng mga “misyon” ng sugo ng U.N. na si Jarring na lahat ay sadyang gawing legal ang Sayonistang pananalakay at ang pagpapanatili ng mga interes na imperyalista ng apat na bansang lakas sa Gitnang Silangan, lalung-lalo na yaong may kinalaman sa langis at sa paggamit ng Suez Canal.
Noong ika-5 ng Hunyo,1967, ang mga Sayonistang pwersa ng pananalakay na sinusulsulan ng imperyalismong Amerikano, ay lumusob sa mga basang Arabe at inagaw ang 65,000 kilometro kuwadrado ng teritoryo ng Arabe upang palawakin ang Israel. Mula noon, ang digmaang pagtatanggol ng Arabe ay tumindi sa pamumuno ng rebolusyonaryong pakikibakang Palisteo.
Ang mga sandatahang mandirigma ng Palisteya, na nagsimula sa iisang machinegun at 30 granada noong 1967, ay naging isang malakas na puwesa. Sari-saring mga pwersang rebolusyonaryong Palisteo ang nagbuklod-buklod upang maglunsad ng sandatahang pakikibaka at napakilos din nila ang mga rebolusyonaryong mamamayang Arabe na magbuklod-buklod laban sa Sayonistang Israel, Imperyalismong Amerikano at iba pang pwersang imperyalista, imperyalismong sosyal ng rebisyonistang Sobyet at mga katutubong reaksyonaryong Arabe. Sa kanilang pakikitungo sa ibang mga bansang Arabe, pinagsama ng mga rebolusyonaryong mamamayang Palisteo ang pakikipagkaisa at pakikibaka sa mga ilang Partido at mga tao na may mataas na katungkulan sa pamahalaan na may labis na paghanga sa mga modernong sandata at may hilig ding mgbigay-daan sa mga mungkahi para sa kompromiso na binalangkas ng imperyalismong Amerikano, sosyal na imperyalismong Sobyet, imperyalismong Ingles at imperyalismong Pranses sa loob at labas ng United Nations.
Sunod-sunod na tinugtog ng apat na bansang-lakas ang tema ng anihilasyong nukleyar upang pigilin o pahinain ang sandatahang pakikibakang Palisteo. Hanggang sa mga sandaling ito, magiting na nilalabanan ng lahat ng mga mamamayang Arabo ang pananakot na ito ukol sa bomba nukleyar.
Ang mga rebolusyonaryong mamamayang Palisteo ay matatag na naninindigan na ang tao ay higit na mahalaga kaysa anumang modernong sandata. Dahil sa nasasandatahan sila ng Kaisipag Mao Tsetung, malinaw nilang nakikita na ang Sayonistang Israel ay ikinalat ag sarili nang labis-labis nilag bunga ng pananalakay na rin nito at ito’y naging lubhang mahina dahil sa napakalaking budget militar at kakulangan ng kawal. Ang isang daang milyong mamamayang Arabo ay mayroong lahat ng oras at pagkakataon upang maglunsad ng isang pangmatagalang rebolsuyonaryog digmaang bayan laban sa kontra-rebolusyonaryong dimaan ng pananalakay ng Sayonismo at imperyalismo sa Gitnang Silangan.