Pagbisita ni Xi Jinping, sinalubong ng protesta
Sinalubong ng protesta ng Pilipinong Nagkakaisa para sa Soberanya (P1NAS), Bagong Alyansang Makabayan at Anakbayan ang pagdating ni Chinese President Xi Jinping sa Pilipinas noong Nobyembre 20.
Nagtungo ang P1NAS sa konsulado ng China para ipanawagan ang pag-alis ng China sa South China Sea kung saan nagsasagawa ito ng reklamasyon at nagtatayo ng mga imprastrakturang militar. Ayon sa grupo, hindi mababayaran ng kahit anong pautang ang soberanya ng bansa.
Kasama sa protesta ang mga Dumagat mula sa Timog Katagalugan na mapalalayas sa kanilang mga lupain dulot ng itatayong Kaliwa Dam sa bulubundukin ng Sierra Madre na pinondohan ng China. Nakiisa rin ang mga mangingisda ng Zambales na ginigipit ng mga Chinese coast guard sa Scarborough Shoal.