Kampuhang manggagawa ng Sumifru sa Mendiola
Higit 300 manggagawa ng Sumitomo Fruits Corporation o Sumifru ang nagtayo ng kampuhan sa Mendiola, Manila noong Nobyembre 27. Tumungo sa Metro Manila ang mga manggagawa para patampukin ang kampanya laban sa kontraktwalisasyon at kahilingan sa kumpanya na kilalanin ang kanilang unyon para makipag kolektibong negosasyon.
Naglunsad din sila ng protesta sa harapan ng Department of Labor and Employment sa Intramuros, Manila noong Nobyembre 29 laban sa paglalabas ni Sec. Silvestre Bello III ng Assumption of Jurisdiction sa isinagawa nilang piket sa Compostela Valley na nag-udyok ng marahas na dispersal dito. Kinundena rin nila ang marahas na pagpaslang ng estado sa dalawang unyonista na lumahok sa welga.
Samantala, dumagsa ang suporta at pakikiisa sa kanila mula sa Workers Advocates for Rights Network (WARN), University of the Philippines at University of Sto. Tomas.