44, kaswalti ng AFP sa Visayas

,


MAGKAKASUNOD NA AKSYONG militar ang inilunsad ng mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa mga isla ng Samar, Negros at Panay noong Enero 4-19. Sa loob ng 16 na araw, 16 opensiba ang inilunsad ng BHB sa Visayas na nagdulot ng hindi bababa sa 44 kaswalti sa hanay ng Philippine Army. Katumbas ito ng hindi bababa sa dalawang kaswalti sa kaaway bawat araw sa loob ng panahong saklaw.

Sa iba pang panig ng bansa, tuluy-tuloy rin ang mga opensiba ng hukbong bayan.

Negros Oriental. Magkasabay na inatake ng BHB ang dalawang Peace and Development Team (PDT) ng 302nd IBde sa mga barangay ng Tacpao at Binobohan sa Guihulngan City noong Enero 19, alas-4:47 ng madaling araw.

Sa iba pang panig ng bansa, tuluy-tuloy rin ang mga opensiba ng hukbong bayan.

Negros Oriental. Magkasabay na inatake ng BHB ang dalawang Peace and Development Team (PDT) ng 302nd IBde sa mga barangay ng Tacpao at Binobohan sa Guihulngan City noong Enero 19, alas-4:47 ng madaling araw.

Ni-reyd ng mga kasama ang PDT sa barangay hall at Day Care Center ng Tacpao gamit ang mga command-detonated na explosibo (CDX). Sinundan ito ng bugso ng mga granada at rifle grenade mula sa umaabanteng yunit ng BHB. Namatay sa naturang reyd ang 12 sundalo.
Kasabay nito, pinaputukan din ng mga Pulang mandirigma ang PDT sa katabing barangay ng Binobohan.

Noong Enero 14, alas-8:40 ng umaga, pinaputukan ng mga Pulang mandirigma ang isang platun ng 94th IB sa pamumuno ni Capt. Joshua Lodrigito habang binabaybay ng kanilang trak ang hangganan ng Sityo Kaningag at Sityo Kanlabaw sa Barangay Banwage, Guihulngan City. Siyam ang naitalang patay sa hanay ng 94th IB.

Noong Enero 4, magkasabay na pinaputukan ng BHB ang kampo ng 94th IB sa Barangay Linantuyan, Guihulngan City at 62nd IB sa Barangay Sikatuna, Isabela, Negros Occidental. Dalawang sundalo ang naitalang kaswalti sa mga aksyong ito.

Negros Occidental. Sa opensiba ng BHB sa Sityo Pacama, Barangay Magballo, Kabankalan City noong Enero 18, nagtamo ng isang patay at isang sugatan ang 15th IB. Bago nito, isang sundalo ang sugatan matapos maglunsad ng operasyong haras ang mga kasama laban sa kampo ng Bravo Coy 62nd IB sa Barangay Hilamonan ng parehong syudad noong Enero 11, alas-7:45 ng gabi.

Western Samar. Siyam na sundalo, kabilang ang tatlong sarhento at tatlong corporal, ang sugatan matapos ambusin ng BHB-Western Samar ang 63rd IB noong Enero 11, pasado alas-4 ng hapon sa Barangay Bay-ang, San Jorge, Western Samar. Kumbinasyon ng CDX at mga riple ang ginamit ng mga Pulang mandirigma laban sa mga tauhan ni Lt. Col. Rizaldo Laurena.

Sa Barangay Concepcion, isang sundalo ang patay at dalawang iba pa ang sugatan matapos ang operasyong haras na inilunsad ng BHB laban sa kampo ng 52nd IB noong hatinggabi ng Enero 19.

Iloilo. Dalawang sundalo ang sugatan nang ambusin ng BHB ang pinagsanib na mga tropa ng 61st IB at 33rd DRC sa Sityo Tigmahan, Barangay Almodias, Miag-ao noong Enero 11, alas-8 ng umaga.

Muling inambus ng BHB ang parehong tropa ng kaaway sa Sitio Tabiak, Barangay Dalije ng parehong bayan noong Enero 13, alas-11:30 ng umaga. Hindi bababa sa apat ang naiulat na kaswalti sa kaaway. Sa parehong araw, alas-5:30 ng umaga, isang elemento ng 61st IB ang sugatan matapos ang operasyong haras ng BHB sa kampo ng 61st IB at CAFGU sa Barangay Cabatangan, Lambunao.

Pinaputukan din ng BHB ang mga sundalong nakapusisyon sa Barangay Malitbog Ilaya, Bingawan noong Enero 13 ng gabi, at ang 61st IB sa Barangay Tigmalapad, Miag-ao noong Enero 16, alas-11:30 ng gabi.

Antique. Naglunsad ng operasyong haras ang BHB laban sa kampo ng CAFGU sa Barangay Osorio 1, San Remegio noong Enero 12 at 13.

NORTHCENTRAL MINDANAO. Labing-isa ang kaswalti ng AFP sa dalawang opensiba ng BHB-NCMR sa Cabanglasan at Iligan City. Noong Enero 10, anim ang patay at isa ang sugatan sa 8th IB-CAFGU nang paputukan sila ng mga Pulang mandirigma habang nagtatayo ang mga sundalo ng kampo sa Sityo Miaray, Barangay Manggaod.

Noon namang Enero 15, isang yunit ng BHB ang nagsagawa ng operasyong haras laban sa 51st IB sa Barangay Mainit, Iligan City. Isa ang patay at tatlo ang sugatan sa mga sundalo.

Pinaralisa naman ng BHB-Bukidnon noong Enero 18 sa Sityo Kibalang, Lilingayon, Valencia City ang isang boom spray na pagmamay-ari ng DOLE Philippines, isang kumpanyang nagpoprodyus ng saging at pinya. Notoryoso ang DOLE sa pagsira sa kalikasan at pang-aagaw ng sakahan ng mga magsasaka’t Lumad.

NORTHEASTERN MINDANAO. Tatlong aktibong depensa ang inilunsad ng BHB laban sa mga sundalo ng 4th ID na nanghahalihaw sa mga komunidad mula pa noong huling linggo ng Disyembre 2018.
Agusan del Sur. Noong Disyembre 23, pinasabugan ng BHB ng CDX ang nag-ooperasyong mga sundalo ng 26th IB sa Sumulon, Barangay Padiay, Sibagat. Isang operasyong haras naman ang isinagawa laban sa 3rd Special Forces Battalion sa kabundukan ng San Juan, Bayugan noong Enero 5.

Surigao del Sur. Pinasabugan din ng CDX ng mga Pulang mandirigma ang tropa ng 36th IB sa Manhulayan, Barangay Bolhoon, San Miguel noong Enero 7.

SOUTHERN TAGALOG. Patay si PO3 Rodelph De Saldajeno ng PNP-Rizal sa Palawan sa isinagawang operasyong partisano ng BHB sa Barangay Punta Baja noong Enero 8. Si Saldajeno ang pinuno sa paniktik ng PNP-Rizal at aktibong nagtatayo ng Barangay Intelligence Network laban sa rebolusyonaryong kilusan.

Matatagumpay na armadong aksyon sa 2018

BICOL. Iniulat ni Ka Raymond Buenfuerza, tagapagsalita ng BHB-Bicol, na 101 taktikal na opensiba ang inilunsad ng BHB sa rehiyon noong 2018. Nagresulta ang mga ito sa 72 patay at 56 sugatan sa hanay ng mga pwersa ng 9th ID at PNP. Ilan sa mga aksyong ito ang 15 koordinadong opensiba sa buong rehiyon noong Disyembre 17-19, 2018.
Noon namang Enero 19, pinaputukan ng BHB ang kampo ng 31st IB sa Sityo Kabugaan, Barangay San Isidro, Bulan, Sorsogon.

CENTRAL LUZON. Magiting na binibigwasan ng mga Pulang mandirigma ang pasistang mga elemento ng AFP at PNP sa rehiyon. Ayon sa ulat ng BHB-Central Luzon, hindi bababa sa 14 ang napatay at apat ang sugatan sa hanay ng mga sundalo at pulis sa pitong magkakasunod na labanan mula Setyembre-Nobyembre 2018. Naganap ang mga labanang ito sa mga prubinsya ng Aurora at Nueva Ecija.

Aurora. Apat na sundalo ng 91st IB ang napatay sa mga kontra-atake ng BHB noong Setyembre 2 sa Barangay Villa Aurora at Nobyembre 14 sa Barangay Decoliat, kapwa sa bayan ng Maria. Sa panig ng BHB, pinarangalan ng mga kasama sina Gerald “Ka Mat” Salonga at Noli Boy “Ka Nomer” Ronquillo na namartir sa labanan noong Setyembre 2.

Noong Oktubre 6, inambus ng BHB ang sasakyan ng 1st Aurora Provincial Mobile Force Company sa Sityo Dicong, Barangay Villa Aurora. Hindi bababa sa tatlong pulis ang namatay. Noong Nobyembre 12, sa Sityo Boundary ng parehong barangay, nagsagawa ng operasyong haras ang mga Pulang mandirigma laban sa kampo ng 91st IB. Dalawang kaaway ang namatay habang tatlong iba pa ang sugatan.

Nueva Ecija. Lima ang napatay sa 84th IB sa magkasunod na kontra-atakeng inilunsad ng BHB sa bayan ng Pantabangan. Isinagawa ang mga aksyon sa mga barangay ng Malbang noong Nobyembre 1 at sa Masiway noong Nobyembre 8. Noong Setyembre 17, isang sundalo ang nasugatan matapos ang operasyong isnayp na isinagawa ng BHB sa kampo ng kaaway sa Sityo Baong, Barangay Labi, Bongabon.

Iniulat din ng BHB-Zambales ang pagparalisa nito noong Hunyo 23, 2018 sa dalawang backhoe na ginagamit para sa ginagawang Capas-Botolan Road. Ipinagbunyi ng mga residente sa lugar ang natamong hustisya laban sa pangangamkam ng kanilang mga sakahan sa ilalim ng nasabing proyekto.

44, kaswalti ng AFP sa Visayas