Kampuhan ng Sumifru sa Maynila, naigiit

,
English

MATAGUMPAY NA naipagtanggol ng mga manggagawa ng Sumifru, sa ilalim ng Nagkahiusang Mamumuo sa Suyapa Farm (NAMASUFA) ang kanilang kampuhan sa Liwasang Bonifacio, Maynila noong Pebrero 4. Mahigit nang dalawang buwan ang kampuhan na nagsimula noong Nobyembre 27 upang igiit sa DOLE at Sumifru na kilalanin ang kanilang unyon at gawin silang regular, ikinasa ng mga manggagawa ang kanilang welga noong Oktubre 1.

Nagbanta ang Manila City Hall na kanilang bubuwagin ang kampuhan para diumano sa planong renobasyon ng DPWH sa lugar subalit wala namang maipakitang kasulatan hinggil dito. Patuloy pa rin ang banta ng pagdemolis sa kampuhan.

Bago nito, lumahok ang mga manggagawa sa protesta para wakasan na ang batas militar sa Mindanao noong Enero 29 sa harap ng Korte Suprema. Itinaon nila ang protesta sa pagdinig ng korte para sa muling pagpapalawig ng batas militar. Kasama nila ang mga estudyante mula sa iba’t ibang unibersidad sa Metro Manila.

Sa kabila ng malakas na ulan, nagprotesta noong Enero 20 ang mga myembro ng Samahan ng Maliliit na Mangingisda sa San Miguel Bay sa harap ng munisipyo ng Tinambac, Camarines Sur. Tinutulan nila ang pagpapa-demolis ng lokal na pamahalaan sa mga biyakos (mga istrukturang gawa sa kawayan at lambat na gamit sa pangingisda) sa Look River. Ayon kay Leo Velarde, tagapangulo ng SMM-SMB, binalewala ng meyor ng Tinambac ang kanilang petisyon noong Disyembre 2018 na nagresulta sa kawalan ng kabuhayan ng halos 60% ng mangingisda sa naturang bayan.

Kampuhan ng Sumifru sa Maynila, naigiit