Batas sa coco levy, ibinasura ni Duterte

,

TINANGGIHAN NI RODRIGO Duterte na pirmahan para maging batas ang Coconut Farmers and Industry Development Act noong Pebrero 10 dahil nais niyang kontrolin ang pagpapasya sa pondong nagkakahalaga ng P10 bilyon.

Ipinasa sa Kongreso ang naturang batas na nag-utos na ipamahagi na ang coco levy sa maliliit na magsasaka sa niyugan noon pang Disyembre 1, 2018. Para pangasiwaan ang paggamit ng pondo, isinaad sa batas ang pagtatatag ng bagong Philippine Coconut Authority (PCA) Board na bubuuin ng anim na magsasaka at walong kinatawan ng mga ahensya ng gubyerno. Bigo si Duterte na ipwesto ang kanyang mga kaalyado sa board na ito at balewalain ang kinatawan ng mga magsasaka. Dahil dito, hindi niya pinirmahan ang panukalang batas sa gawa-gawang dahilang mangangailangan diumano ito ng walang hanggang pondo. Ayon sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, dapat itayo ang isang Genuine Small Coconut Farmers Fund at Genuine Small Coconut Farmers Council para mamamahala sa paggamit ng pondo, sa halip ng ipinanukala nitong PCA board.

Batas sa coco levy, ibinasura ni Duterte