16 ar­mas, na­kum­pis­ka sa CL at ST

,


DALAWANG MAGKASUNOD NA ­ak­syong mi­li­tar ang ini­lun­sad ng mga yu­nit ng Ba­gong Huk­bong Ba­yan (BHB) sa Bu­lacan at Min­do­ro Ori­en­tal noong Peb­re­ro 25 at 26. Na­ka­sam­sam di­to ang mga Pulang man­di­rig­ma ng 16 ar­mas at pag­ka­pa­ra­li­sa ng isang kum­pan­yang ma­pang­wa­sak sa kalikasan.

Bu­lacan. Ma­ta­gum­pay na ni­reyd ng BHB-Bu­lacan ang upi­si­na at de­tatsment ng Se­raph Secu­rity Agency (SSA) sa Ba­ra­ngay San Isid­ro, San Jo­se Del Mon­te City, Bu­lacan noong Peb­re­ro 25, alas-7:14 hang­gang alas-9 ga­bi. Na­kum­pis­ka ng BHB ang 12 ma­ta­as na ka­lib­reng ba­ril, dalawang pis­to­la, mga ba­la at pi­tong Icom ra­dio.

May­ro­ong ma­hi­git 40 ar­ma­dong gwardya at ma­ton ang SSA na nag­si­sil­bing pwer­sang panseguridad ng Aya­la Lands at Bang­ko Sentral ng Pi­li­pi­nas (BSP). Inaa­gaw ng mga ito ang mahi­git 700 ek­tar­yang lu­pa­in ng mga mag­sa­sa­ka at ka­tu­tu­bong Du­ma­gat at Re­mon­ta­dos. Ayon kay Ka Jo­se Del Pi­lar ng BHB-Bu­lacan, sa pa­ma­ma­gi­tan ng SSA, kun­di ti­na­ta­kot ay pwer­sa­hang bi­ni­bi­li ng Aya­la Lands at BSP sa na­pa­ka­mu­rang ha­la­ga ang mga sa­ka­han at lu­pa­ing ni­nu­no ng mga re­si­den­te. Re­sul­ta ni­to, ma­hi­git 200 pa­mil­ya na ang na­pa­la­yas sa na­tu­rang ba­ra­ngay.

Oriental Mindoro. Pi­na­ra­li­sa ng BHB-Min­do­ro ang ope­ra­syon ng Sta. Cla­ra Po­wer Cor­po­ra­ti­on (SCPC), isang ma­pa­ni­rang kum­pan­ya sa mi­na at ener­hi­ya, noong Peb­re­ro 26, ban­dang alas-3 ng ha­pon sa Ba­ra­ngay Malvar, Naujan, Oriental Min­do­ro. Pi­na­ra­li­sa ng BHB ang batching plant ng kum­pan­ya at 44 pi­ra­so ng ma­ha­ha­la­gang heavy equip­ment ka­bi­lang ang isang backhoe, limang trak na bigfoot, da­la­wang pay­loa­der, isang crus­her at isang ce­ment mixer. Nakumpiska rin ng mga ope­ra­ti­ba ang isang pis­to­lang 9mm, isang shot­gun at wa­long Icom radio.

Si­na­bi ni Ka Ma­da­ay Ga­sic, ta­ga­pag­sa­li­ta ng BHB-Min­do­ro, na ang na­tu­rang ak­syon ay tu­gon sa pa­na­wa­gan ng ma­ma­ma­yan ng Min­do­ro pa­ra sa ka­ta­ru­ngan bun­sod ng ma­tin­ding pin­sa­lang da­la ng pro­yek­tong hydro ng SCPC sa Naujan at Baco sa na­tu­rang pru­bin­sya. Noong bag­yong “No­na” ng 2015, ma­hi­git 3/4 ng po­pu­la­syon ng pru­bin­sya ang naa­pek­tu­han du­lot ng tu­luy-tu­loy na pag­tot­ro­so pag­pa­pa­sa­bog ng SCPC sa mga ka­bun­du­kan. Nag­re­sul­ta ito sa mga pag­gu­ho at pagbaha ng pu­tik. Ma­hi­git 10 re­si­den­te ang na­ma­tay at lam­pas P2.5 bil­yong-ha­la­ga ng produk­to at ka­ga­mi­tan sa ag­ri­kul­tu­ra ang na­si­ra.

Ha­bang isi­na­sa­ga­wa ang ak­syo­n, ti­ni­pon ng mga Pu­lang man­di­rig­ma ang mga mang­ga­ga­wa ng SCPC at pi­na­li­wa­na­gan tung­kol sa da­hi­lan ng pa­ma­ma­ru­sa.

16 ar­mas, na­kum­pis­ka sa CL at ST