300 pamilya, nagbakwit sa Samar

,

LUMIKAS ANG 300 pamilya o 1,409 indibidwal mula sa Hagbay, Can-aponte, San Nicolas at San Pedro sa bayan ng San Jose de Buan, Samar mula Marso 17-25 dahil sa halos tatlong buwan nang paglulunsad ng operasyong militar ng 87th IB sa kanilang mga komunidad. Kabilang sa mga nagbakwit ang 424 bata, 66 na matatanda at 11 buntis.

Noong Marso 25, tinangka ng mga sundalo at ng Department of Interior and Local Government (DILG) na padaluhin sa isang “peace rally” ang mga residente para palabasing mga “sumurender” na mga tagasuporta at kasapi ng BHB. Tumanggi ang mga residente at sa halip ay nagprotesta para ipanawagan na palayasin ang mga sundalo sa kanilang mga komunidad.

Pagkatapos ng protesta, hinanap ng mga elemento ng 87th IB si Jade Cinco, kinatawan ng People Surge-Western Samar.

Samantala, 21 araw matapos makabalik ang 1,607 Lumad sa Barangay Diatagon, Lianga, muling nagbakwit ang 28 pamilya mula Sityo Decoy at Panukmoan tungong Km. 9 dulot ng panganganyon, panghuhulog ng bomba at istraping sa bukiring bahagi ng kanilang mga komunidad. Isinagawa ang mga pambobomba ng 401st Bde noong Marso 31, isang araw pagkatapos ng engkwentro sa pagitan ng AFP at BHB sa kalapit na lugar.

Nagbakwit ang mga residente ng Diatagon noon pang Hulyo 2018 dulot ng matinding militarisasyon sa lugar.

300 pamilya, nagbakwit sa Samar