LABAN SA MGA CYBER-ATTACK.

,

Nagpiket ang iba’t ibang grupo ng alternatibong midya, mga aktibista para sa digital rights at kanilang mga tagasuporta sa harapan ng Department of Information and Communications Technology noong Marso 12 kasabay ng paggunita sa World Day vs Cybercensorship.

Kinundena ng mga grupo ang kawalang aksyon ng ahensya sa pagtugon sa pang-aatake sa kanilang mga website. Malakas ang hinala ng mga ito na mga ahente mismo ng rehimeng Duterte ang nasa likod ng mga pag-atake. Milyun-milyong piso ang ginagastos ng sabay-sabay na mga pag-atake para ipasara o hadlangan ang naturang mga website. Nagsampa na ng kaso ang mga grupo sa alternatibong midya sa kumpanyang umatake sa kanila.

LABAN SA MGA CYBER-ATTACK.