Mga misengkwentro ng AFP

,

Dalawang misengkwentro sa pagitan ng mga tropa Armed Forces of the Philippines (AFP) habang nanghahalihaw ang kanilang mga yunit sa mga komunidad ng magsasaka ang naiulat kamakailan.

Noong Abril 10, alas-3 ng madaling araw, nagsalpukan ang dalawang pangkat ng Bravo Coy ng 85th IB sa Sityo Labrahan, Barangay Butanguiad sa San Francisco, Quezon. Ang isang pangkat ng naturang yunit ay nagbihis-sibilyan at nagpanggap na mga Pulang mandirigma habang naka-unipormeng sundalo naman ang isang grupo. Isang sundalo ang nasawi sa engkwentro habang hindi mabilang ang sugatan.

Para pagtakpan ang kanilang kapalpakan, ibinalita ng 85th IB na nagkaroon ng labanan sa pagitan ng kanilang tropa at ng BHB. Pinalabas din ng mga sundalo na Pulang mandirigma ang sundalong nasawi, sa kabila ng pagkakakilanlan sa kanyang bangkay nang dalhin sa punenarya sa San Francisco.

Samantala, hindi bababa sa 20 elemento ng Marine Battalion Landing Team-2 ang natamaan ng kanilang sariling bomba habang nagmamaniobra matapos magkaroon ng engkwentro sa pagitan nila at ng BHB noong Pebrero 5 sa Kapuyan Blag, Barangay Datu Wasay, Kalamansig, Sultan Kudarat.

.

Mga misengkwentro ng AFP