Tapatan sa soberanong karagatan ng Pilipinas

,


CHINA: Mula Enero hanggang Marso, naiulat ang paglabas-masok ng 275 barkong pangisdang Chinese na pinagsususpetsahang mga barkong pangsarbeylans ng Chinese Coast Guard malapit sa isla ng Pag-asa (internasyunal na pangalan: Thitu Island). Ayon sa ilang ulat, lulan ng mga barkong ito ang mga paramilitar na Chinese na tinaguriang “Little Blue Men.”
Ang isla ng Pag-asa ang pinakamalaki sa grupo ng mga isla ng Spratlys na matatagpuan 285 nautical mile (katumbas ng 528 kilometro) mula sa baybay ng Palawan.

US: Tatlong beses na naiulat ang presensya ng mga sasakyang pandigma ng US sa isla ng Panatag (Scarborough) sa parehong panahon. Noong Enero, naglunsad ng kunwa’y freedom of navigation operations ang USS Hopper malapit dito. Noong Abril, nagpatrol naman ang US Air Force A-10 Warthog. Pinakamalaki presensya ng USS Wasp na may lulang 10 F-35B na tinaguriang pinakaabanteng eroplanong pandigma ng US, apat na Osprey at dalawang pang-atakeng helikopter. Pinatatakbo ito ng 1,000 sundalo at may lulang 1,600 Marines para sa lulan nitong mga sasakyang amphibious. Bago nabuking ng mga mangingisdang Pilipino noong Abril 9, sikreto itong nagsagawa ng pagpapalipad at pagpalalapag ng mga eroplano at helikopter malapit sa Panatag Shoal.
Bahagi ang USS Wasp sa ika-35 Balikatan na inilunsad sa iba’t ibang bahagi ng Luzon noong Abril 1-12. (Para sa dagdag na detalye, basahin ang kaugnay na artikulo sa Ang Bayan, Abril 7, 2019.)
Ang Panatag Shoal (Scarborough Shoal) o Bajo de Masinloc ay matatagpuan 35-40 nautical mile (o 74 kilometro) mula sa baybay ng Masinloc, Zambales.

Tapatan sa soberanong karagatan ng Pilipinas