Mamamahayag ng CDO, nilabanan ang Red-tagging

,

Pinuri ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang magiting na pagkakaisa ng mga kasapi ng Cagayan de Oro Press Club upang tanggalin ang istrimer na nagbabansag sa NUJP at iba pang grupo bilang mga “terorista” noong Mayo 28. Ikinabit ang istrimer sa bakuran ng Press Freedom Monument sa Vicente de Lara Park, Cagayan de Oro kung saan magdidiwang ang mga kasapi ng midya ng Press Freedom Week. Bilang protesta, sinunog nila ang istrimer.

Sa kaugnay na balita, ibinasura ng Sangguniang Panlunsod (SP) ng Iloilo City noong Mayo 23 ang panukala ni Iloilo City Police Director Lt. Col. Martin Defensor na ideklara ang Partido Komunista ng Pilipinas at Bagong Hukbong Bayan na “persona non grata” o hindi katanggap-tanggap sa Iloilo City. Wala ni isang kagawad ng SP ang sumuporta sa panukala.

Ayon kay SP Floor Leader Plaridel Nava, hindi niya mauunawaan kung bakit ipinagpipilitan ng pulisya na ideklarang “persona non grata” ang nasabing mga rebeldeng grupo gayong wala namang lokal na batas na nagdedeklarang mga “teroristang organisasyon” ang PKP at BHB.

Mamamahayag ng CDO, nilabanan ang Red-tagging