Panggigipit sa Venezuela at Iran, ipinataw ng US

,

SA PINAKAHULING TANGKANG paluhurin ang mga kalaban nitong bansa, muling nagpataw ang imperyalistang gubyerno ng US ng mga panggigipit laban sa Venezuela at Iran.
Noong Hunyo 28, pansamantalang pinigilan ng US ang paggamit (freeze) sa lahat ng ari-arian ng anak ni President Nicolas Maduro ng Venezuela na si Nicolas “Nicolasito” Maduro Guerra at ipinagbawal sa lahat ng Amerikano na makipagnegosyo sa kanya. Ang hakbang na ito ay ginawa matapos mabigo ang tangkang kudeta ng mga inisponsor ng US na oposisyunista laban kay Maduro noong Enero-Pebrero.
Ilang araw bago nito, noong Hunyo 25 iniutos naman ng US ang pag-freeze sa mga ari-arian ni Ayatollah Ali Khamenei, ang supreme leader ng Iran, at ng pinuno ng Foreign Ministry na si Mohammad Javad Zarif. Mariing binatikos ng Iran ang hakbang ng US.

Panggigipit sa Venezuela at Iran, ipinataw ng US