Piketlayn sa Pepmaco, marahas na binuwag

,

Sa ikalawang pagkakataon, marahas na binuwag ng mga pulis ang piketlayn ng mga manggagawa ng Pepmaco sa Calamba, Laguna noong Agosto 19, alas 11:30 ng umaga. Labing walong manggagawa ang arbitraryong inaresto at ikinulong kabilang ang anim na babae.

Naganap ang dispersal habang nasa tanggapan ng National Conciliation and Mediation Board ang mga upisyal ng Pepmaco Workers’ Union upang igiit sa negosasyon ang kahilingang regularisasyon para sa mga manggagawa.

Ang pag-aresto ay labag sa Department of Justice Memorandum Circular 016 na nagsasaad na hindi maaaring basta-bastang kasuhan ang mga manggagawang nakawelga.

Una nang naganap ang marahas na dispersal noong Hunyo 28 kung saan 12 manggagawa ang nasugatan. Inilunsad ng mga manggagawa ang kanilang welga noon pang Hunyo 4.

Pinalaya rin noong Agosto 20 ang 18 manggagawa nang wala ni isang kasong naisampa laban sa kanila. Sa kabila ng pandarahas ng Pepmaco, matibay pa rin ang loob ng mga manggagawa na muling itayo ang piketlayn. Nakatigil sa trabaho ang mga manggawa para igiit ang kanilang regularisasyon at kaligtasan sa trabaho.

Piketlayn sa Pepmaco, marahas na binuwag