Lumalawak na agwat sa pagitan ng mayaman at mahirap
INIULAT NG FORBES noong Oktubre ang muling paglobo ng yaman ng pinakamalalaking burgesya kumprador sa bansa. Inilahad nito na pare-parehong tumaas ang net worth (o halaga ng ari-arian) ng siyam sa sampung pinakamayamang bilyunaryo sa bansa. Pinakamalaki ang itinaas ng yaman ni Hans Sy (16%, tungong P140 bilyon), anak ng yumaong kapitalistang si Henry Sy.
Hindi kataka-taka na ika-siyam ang Pilipinas sa listahan ng Credit Suisse noong Oktubre ng mga bansang may pinakamalawak agwat sa pagitan ng mahirap at mayaman.
Sa ilalim ni Duterte, lumobo ang halaga ng ari-arian ng sampung pinakamayayamang kumprador nang (14%), mula P2.5 trilyon noong 2016 tungong P2.7 trilyon noong 2018. Sa kabilang banda, ipinakikita ng konserbatibong datos ng reaksyunaryong estado na aabot na sa 28.8 milyong Pilipino (tatlo sa bawat sampu) ang nagtitiis sa mas mababa pa sa P70 kada araw.