Panggigipit sa Kamaynilaan

,

ILIGAL NA INARESTO ng mga pulis ang mag-asawang aktibista na sina Cora Agovida at Michael Tan Bartolome sa kanilang bahay sa Paco, Manila noong Oktubre 31, alas-5 ng umaga. Nagmula sa Manila Police District at Criminal Investigation and Detection Group ang mga nang-aresto.

Nagtanim ng ebidensyang mga pasabog ang mga pulis upang sampahan ng gawa-gawang kaso at hindi makapagpyansa ang mga biktima. Si Agovida ay pangulo ng Gabriela-Metro Manila habang si Bartolome naman ang upisyal sa kampanya ng Kadamay-Metro Manila.

Kasunod nito, nilusob ng mga pulis ang upisina ng Bayan-Metro Manila sa Clemente St., Barangay 183 sa Tondo, Manila noong Nobyembre 5, ala-una ng madaling araw. Nagtanim din ng ebidensya ang mga pulis at iligal na dinakip sina Ram Carlo Bautista, direktor sa mga kampanya ng Bayan-Manila, si Alma Moran, myembro ng kalihiman ng Manila Workers Unity, at si Ina Nacino, koordineytor ng Kadamay-Manila.

Panggigipit sa Kamaynilaan