Upisina ng Ibon Foundation at Altermidya, tinangkang pasukin

,

TINANGKANG PASUKIN NG mga pulis ang mga upisina ng Ibon Foundation at Altermidya sa Timog Avenue sa Quezon City at ang upisina ng Philippine Collegian, pahayagang pangkampus ng University of the Philippines-Diliman.

Noong Nobyembre 7, tumawag ang isang upisyal ng National Capital Region Police Office na magsasagawa ito ng inspeksyon sa Ibon Building kung saan nag-uupisina ang Altermidya at iba pang mga lokal at internasyunal na organisasyon. Tatlong lalaki naman ang nagpumilit na pumasok sa upisina ng Philippine Collegian noong Nobyembre 16 para rin umano mag-inspeksyon.

Ayon sa Altermidya, ang walang batayang pagpasok sa kanilang upisina ay maituturing na atake sa kalayaan sa pamamahayag.

Samantala, isang mamamahayag ang binaril at napatay noong Nobyembre 7 sa Dumaguete City, Negros Oriental. Kinilala ang biktima na si Dindo Generoso. Papunta ang biktima sa istasyon ng radyo kung saan mayroon siyang programa. Binaril siya sa loob ng kanyang kotse.

Upisina ng Ibon Foundation at Altermidya, tinangkang pasukin