Panggigipit sa mga dalaw ng Kapatid

,

KINUNDENA NG MGA kaanak ng mga bilanggong pulitikal (Kapatid) ang panggigipit ng mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa mga dumadalaw sa bilangguan.

Ayon kay Jimmylisa Badayos, sapilitan siyang ipinailalim sa strip and cavity search (pagpapahubad at pag-inspeksyon sa mga butas ng katawan kabilang ang ari) noong Disyembre 29 sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa. Ayon sa Kapatid, kahiya-hiya at nagdudulot ng trauma ang paraang ito ng pagrekisa ng BJMP. Si Badayos ay asawa ng bilanggong pulitikal na si Calixto Vistal.

Bago nito, inireklamo ng grupo ang pag-antala sa kanilang dalaw noong Disyembre 21. Dahil dito, hindi naidaos ang taunang Paskuhan para sa mga bilanggong pulitikal. Hindi rin sila pinayagang dumalaw sa sumunod na araw.

Panggigipit sa mga dalaw ng Kapatid