Barikada ng mga Aeta, ginipit; dating lider ng Partido, inaresto

,

Sa Capas, Tarlac, binatikos ng mga katutubong Aeta ang panibagong panggigipit ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA). Noong Marso 3, nanghimasok sa komunidad ng mga katutubo ang may 20 armadong tauhan ng BCDA kasama ng lokal na pulisya at pinagbantaan ang kanilang barikada. Bago nito ay nagsidatingan ang mga buldoser at backhoe ng Pancho Construction na kinontrata ng BCDA.

Ayon sa Asosasyon ng Katutubong Mahawang, laban sa pagpapalawak ng proyektong New Clark City ang kanilang barikada. Una nang napalayas ang 500 pamilyang Aeta dahil sa itinayong Sea Games Stadium sa katabing lugar.

Samantala, tinuligsa ng Karapatan ang iligal na pag-aresto kay Rodolfo Salas noong Pebrero 18, alas-5:50 ng umaga sa Angeles City, Pampanga. Si Salas ay kilalang organisador ng mga magsasaka at kooperatiba na kabilang sa 25 indibidwal na sinampahan ng gawa-gawang mga kaso ng pagpatay sa Leyte. Notoryus ang kasong ito bilang “mga naglalakbay na kalansay” dahil inililipat ang mga kalansay sa iba’t ibang lugar sa Leyte at ginagamit na ebidensya laban sa naturang mga akusado.

Barikada ng mga Aeta, ginipit; dating lider ng Partido, inaresto