Kompensasyon sa Nexperia, naipagtagumpay

,

Matatanggap ng mga manggagawa ng Nexperia Philippines, Inc. ang kanilang sahod para sa Marso 17-30 sa kabila ng tigil-paggawa ng kumpanya dahil sa isinagawang lockdown ng rehimen. Ito ay matapos igiit ng kanilang unyon ang kompensasyon.

Isinusulong ng unyon sa kasalukuyan ang pagbibigay ng kanilang sahod hanggang Abril 12 na saklaw ng lockdown. Maghahain din ito ng panawagan sa Department of Labor and Employment na magbigay ang kumpanya ng ₱5,000 ayuda kada manggagawa.

Ayon sa Philippine Economic Zone Authority, umaabot na sa 703 empresa sa Luzon ang pansamantalang suspendido ang operasyon dulot ng lockdown. Apektado nito ang 86,549 manggagawa, sa Cavite pa lamang.

Kompensasyon sa Nexperia, naipagtagumpay