Ka­ka­ram­pot na pon­do, pag­hi­hig­pit sa sek­tor ng mag­sa­sa­ka

,

Hin­di ba­ba­ba sa 26 na pru­bin­sya sa Visayas at Mindanao ang nag­dek­la­ra ng ka­ni-ka­ni­lang lockdown kasabay ng ipinataw sa Luzon ng re­hi­meng Du­ter­te. Ipi­nag­ba­wal sa mga lugar na ito ang pagbya­he ng mga tao at pro­duk­to na nagresulta sa pagkaparalisa sa ko­mer­syo at ka­la­ka­lan. Iti­ni­gil din ni­to ang pag­sa­sa­ka at pro­duk­syon sa ka­na­yu­nan. Da­hil ma­ra­mi sa mga nag­-lockdown ay mga sentro ng ko­mer­syo at ka­la­ka­lan ng mga re­hi­yon at pru­bin­sya, apektado maging ang mga lugar na hin­di nag­dek­la­ra ng lockdown.

Mil­yun-mil­yong mag­sa­sa­ka at mang­ga­ga­wang-bu­kid ang nawalan ng kita da­hil sa mga lockdown.
Umaabot na sa 700,000 mang­ga­ga­wa sa mga asu­ka­re­ra at 75,241 mang­ga­ga­wang bu­kid sa tu­bu­han ang wa­lang ki­ta da­hil sa pag­sa­sa­ra ng mga pab­ri­ka at as­yen­da. Ka­bi­lang di­to ang Su­gar Mil­ling Cor­po­ra­ti­on at Crystal Su­gar Com­pany, Inc. sa Bu­kid­non na ipi­na­sa­ra ng lo­kal na pa­ma­ha­la­an mu­la Mar­so 27 hang­gang Abril 26. Apek­ta­do ni­to ang 10,000 mang­ga­ga­wa at 10,000 nag­tat­ra­ba­ho sa maliliit na tu­bu­han. Li­bu-li­bo ring mang­ga­ga­wang bu­kid sa Neg­ros ang du­ma­ra­nas ng maa­gang Tiem­po Muer­to nang tu­mi­gil ang mga ope­ra­syon ng mga tu­bu­han at asu­ka­re­ra ri­to. Sa kabila nito, nasa 6% lamang sa mga mangagawang-bukid sa tubuhan ang mabibigyan ng ayuda ng re­himen.

Ka­ka­ram­pot la­mang sa iniaa­lok ng De­partment of Agricul­tu­re (DA) na ayu­da ang na­ka­ra­ra­ting sa ka­ni­la. Ka­hit ang pau­tang ni­to ay li­mi­ta­do sa 300,000 o 3.7% la­mang ng ka­buuang bi­lang ng mag­sa­sa­ka at ma­ngi­ngis­da.

Binarat na ayu­da

Ayon sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), umabot sa P62.69 bil­yon ang bad­yet ng ahen­sya pa­ra sa taong 2020. Sa ka­buuan may­ro­on itong P93 bil­yon kung isasama ang P31-bilyong pondo na hinihingi ng DA noong Marso 25. Bar­ya la­mang ang di­rek­tang ma­ta­tang­gap ng mga mag­sa­sa­ka mula rito. Ha­los 90% ng bad­yet ay lumpsum at na­ka­la­an sa mga pro­yek­tong wa­lang aga­rang epek­to sa gu­tom at lu­ging mag­sa­sa­ka. Sa ulat ni Duterte noong April 20, 52,000 pa lamang sa target nitong 591,246 mil­yong magsasaka sa palayan ang naka­tatanggap ng subsidyo sa P3 bil­yong pondo ng Social Amelio­ration Program. Wa­lang ini­la­tag na pro­­se­so ang ahen­sya kung paa­no ma­­ku­ku­ha ng mga be­ne­pi­sya­ryo ang na­ra­ra­pat sa ka­ni­la na ayu­da.

Ayon pa sa DA, may 300,000 ding mahihirap na magsasakang nakatanggap ng tig-P5,000 sa ilalim ng Rice Farmers Financial Assistance Program na pina­nga­nga­siwaan ng Landbank. Pero kahit pa pagsama-samahin ang mga bene­pi­syaryo, malayo pa rin ito sa pang­ka­buuang 9.7 mil­yong mag­sa­sa­ka, mang­­ga­ga­wang bu­kid at ma­ngi­ngi­s­dang na­nga­ngai­la­ngan ng kag­yat na tu­long.
Bat­bat ng ko­rap­syon ang pa­ma­ma­ha­gi ng ayu­da. Nag­li­pa­na ang mga rek­la­mo sa ani­mo’y ar­bit­rar­yong pa­mi­mi­gay at ma­sa­li­mu­ot at na­ka­ba­ba­got na pro­se­so. Sa isang ba­yan sa Ca­ma­ri­nes Sur, bi­na­wa­san nang P1,400 ang P5,000 ayu­da ng mga se­ni­or ci­tizen da­hil nai­pam­bi­li na diu­ma­no ito ng mga ga­mot, bi­gas at sar­di­nas na hindi na­man nila na­tang­gap.

Hin­di na rin bi­big­yan ng ayu­da ang mga na­ka­ta­tan­da na may mga anak na nag­tat­ra­ba­ho o kung ka­sa­ma ni­la ang ka­ni­lang mga anak na nag­tat­ra­ba­ho, ka­hit pa ang mga anak ni­la ay wa­la ring ha­nap­bu­hay. Pa­ti ang mga nag­tat­ra­ba­ho sa mga grocery, bang­ko at ibang es­tab­li­si­men­to sa syu­dad na hin­di re­histra­dong re­si­den­te ay hin­di rin ma­bi­big­yan.

Pasistang pahirap

Pa­hi­rap din sa ka­bu­ha­yan ng mga mag­sa­sa­ka at mang­ga­ga­wang bu­kid ang pag­pa­pa­tu­pad ng curfew at mga tsek­poynt sa ka­na­yu­nan na nag­li­li­mi­ta sa ka­ni­lang mga ga­law sa pag­ha­ha­tid ng mga pro­duk­to, pag­sa­sa­ka at pa­ngi­ngis­da.

Sa ilang ba­yan sa Ilocos, pi­nag­ba­ba­yad ng P50-P80 ang mga re­si­den­te pa­ra sa isang araw na ma­ka­ga­la. Da­hil sa curfew, li­mi­ta­do ang oras sa pagtatrabaho ng mga mag­bu­bu­kid sa Ca­ga­yan Val­ley at Lo­wer Ka­li­nga.

Hindi pinararaan sa mga tsek­poynt ang aning gu­lay ng mga mag­sa­sa­ka ng Upper Ka­li­nga, Be­ngu­et, Ifu­gao at Moun­ta­in Province. Sa Ti­noc, Ifu­gao, na­pi­li­tan ang mga mag­sa­sa­ka na dali-daling ani­hin ang ka­ni­lang mga gu­lay ma­ta­pos ipa­tu­pad ang lockdown ng lo­kal na gub­yer­no. Ha­los 100,000 to­ne­la­dang gu­lay ang ki­nai­la­ngan ni­lang iben­ta sa sob­rang ba­bang ha­la­ga ba­go ma­bu­lok ang mga ito.

Ka­ka­ram­pot na pon­do, pag­hi­hig­pit sa sek­tor ng mag­sa­sa­ka