Atake sa embahada ng Cuba sa US, kinundena

,

Kinundena ng mga upisyal ng Cuba ang pamamaril sa gusali ng embahada nito sa Washington D.C. sa US noong Abril 30. Kinilala ang namaril na si Alexander Alazo, isang nakadistyerong Cubano na may sakit sa pag-iisip.

Naniniwala ang Cuba na ang pang-aatake ay nahikayat ng palaban na mga pahayag ng mga upisyal ng US laban sa bansa. Ihinalintulad ito ng Cuba sa mga atake sa mga manggagawang medikal na Cuban na tumutulong sa pagsugpo ng Covid-19 sa mahihirap na bansa. Lumalaganap ang ganitong mga krimen kasabay ng agresibong patakaran ng US laban sa Cuba at pagpapahigpit nito sa blokeyo sa ekonomya.

Atake sa embahada ng Cuba sa US, kinundena