Pandemya sa gutom at kahirapan, idudulot ng mga lockdown at restriksyon

,

Pandemya ng gutom at “hindi mawaring epekto sa kalusugan at ekonomya” ang idudulot ng matitinding restriksyong ipinataw ng mga estado kaugnay ng pandemyang Covid-19. Ito ang babala ng United Nations (UN) na nagsabing posibleng mas marami pa ang mamamatay dulot ng mga hakbang na ipinatupad para lunasan ang sakit.

Hi­rap at sa­kit

Pi­na­ti­tin­di ng mga lockdown ang da­ti nang mga di pag­ka­ka­pan­tay-pan­tay sa mga li­pu­nan. La­lo ni­tong iti­nu­lak sa ka­hi­ra­pan ang da­ti nang ma­hi­hi­rap na ba­ha­gi ng po­pu­la­syo­n. Ayon pa sa UN, ang mga restrik­syon at lockdown na na­ka­tu­on sa “pag­sug­po” ng Covid-19 ay nag­pa­ki­tid sa mga mer­ka­do at pu­mi­gil sa tra­ba­ho ng mil­yun-mil­yon at bu­mu­ra sa ka­ni­lang ka­ka­ya­hang bu­mi­li ng mga ki­na­kai­la­ngan. Mil­yun-mil­yon na ang na­wa­lan ng tra­ba­ho sa buong mun­do, pa­ngu­na­hin ang mga kontrak­twal at ma­la-p­ro­le­tar­ya­do. Pang­unahing naapektuhan ng kawalan ng kita ang kakayahan ng mga pamilya na bumili ng sapat ng pagkain.

Kasabay nito, maaring sumirit ang presyo ng mga pagkain sa pandaigdigang merkado dahil sa pag­kaputol sa daloy ng suplay hindi la­mang ng pagkain, kundi pati ng mga gamit sa produksyon. May mga pag­hina na rin sa ani at operasyon ng mga kumpanyang agrikultural sa malalaking bansang eksporter ng pagkain.

Lu­bos na maaa­pek­tu­han ang mga ban­sang na­kaa­sa sa pag-angkat ng ba­ta­yang pag­ka­in, tu­lad ng bi­gas, kung ipagka­ka­it o itata­as ang pre­syo ng mga ito ng mga ban­sang eksporter. Ba­ba­la ng UN, hin­di ma­gi­ging pa­nan­da­li­an at hindi ma­da­ling ma­so­solu­syu­nan ang da­ra­na­sing hirap ng ma­ma­ma­yan.

Isa ang Pi­li­pi­nas sa ini­la­la­ra­wan ng UN na mga ban­sang da­ti nang may ma­ta­as na in­si­den­te ng gu­tom. Ang mga du­ma­ra­nas ng gu­tom, na ma­ta­tag­pu­an hin­di la­mang sa sik­si­kan na mga ko­mu­ni­dad sa mga syu­dad kun­di pa­ti sa ma­la­wak na ka­na­yu­nan, ay may ma­ta­as na ris­gong ma­ha­wa ng Covid-19 at iba pang karaniwang sakit dahil sa mal­nutrisyon. Si­la rin ang na­sa mga lu­gar kung saan wa­lang mga kli­nik, at ma­ti­nong pa­tu­big at sa­ni­ta­syo­n. Ang mga na­sa syu­dad ay wa­lang es­pa­syo pa­ra mai­pa­tu­pad ang ta­mang social dis­tancing o pagkwa­ran­ti­na ng ka­ni­lang mga may­sa­kit na ka­pa­mil­ya. Sa ka­na­yu­nan, sa­lat na sa­lat ang ga­mit at ka­sa­na­yang me­di­kal, ga­yun­din ang mga pa­si­li­dad pa­ra sa mga ma­ha­ha­wa ng sa­kit. (Ting­nan ang ar­ti­ku­lo sa Ang Bayan, Abril 7 .) Tulad sa kaslunsuran, milyun-milyong mamamayan sa kanayunan ang dumaranas ng gutom dulot ng kawalan ng trabaho, mababang kita at kawalan ng lupa.

Lalong mag­du­ru­sa ang ma­hi­hi­rap dahil sa pag­ka­si­ra ng mga eko­nom­ya na idi­nu­lot ng mga lockdown at restrik­syo­n. Ang ma­ti­tin­ding res­­­trik­­syon sa bya­he at pro­duk­syon ay nag­du­lot ng pag­ka­pu­tol sa da­loy ng sup­lay ng mga pro­duk­to at pag­ga­wa. Ka­sa­ma ang Pi­li­pi­nas sa mga ban­sang na­wa­lan ng ki­ta mu­la sa tu­ris­mo at re­mi­tans ng mga mig­ran­teng mang­ga­ga­wa. Na­ka­tak­dang ma­wa­sak ang da­ti nang ma­hi­hi­nang imprastruk­tu­ra ng lokal na eko­nom­ya. Da­hil pi­ni­li ng es­ta­do na umu­tang kay­sa ba­gu­hin ang mga alo­ka­syon sa bad­yet ni­to, de­ka-de­ka­da pang pag­du­ru­sa­han ng ma­ma­ma­yan ang gas­tos sa lockdown.

Gu­tom sa nga­yon at hi­na­ha­rap

Ayon na­man sa World Food Programme (WFP), ma­hi­git 30 ban­sa ang da­ra­nas ng ka­ku­la­ngan ng pag­ka­in. Sam­pu sa mga ban­sang ito ay da­ti nang may ma­hi­git isang mil­yong populasyon na wa­lang na­ka­ka­in ba­go pa ang pan­dem­ya. Manga­ngai­la­ngan ng $350 mil­yon pa­ra ma­pa­ka­in ang pi­na­ka­na­gu­gu­tom. Dagdag na problema ng mga ahensyang inter­nasyunal na hindi nila maihatid ang pang­kagipitang ayuda dahil sa mga pagbabawal at mahihigpit na res­triksyon sa pagbyahe.

Sa nga­yon, ti­na­ta­ya ng gru­po na 812 mil­yon na ka­tao ang du­ma­ra­nas ng gu­tom araw-a­raw. Na­sa bi­ngit na­man ng gu­tom ang 135 mil­yon. Ma­da­dag­da­gan pa ang bi­lang na ito ng 130 mil­yon sa pag­ta­ta­pos ng taon.

Ka­bi­lang sa kai­la­ngang abu­tin ng gru­po ang 30 mil­yon na buong na­kaa­sa sa WFP pa­ra sa araw-a­raw na pag­ka­in. Kung hin­di aa­bot sa ka­ni­la ang ayu­da, po­sib­leng 300,000 ang ma­ma­ma­tay sa loob ng tat­long bu­wan.

Sa Pi­li­pi­nas, apek­ta­do ang da­loy at sik­lo ng pro­duk­syon ng pag­ka­in nang hig­pi­tan ang transpor­ta­syon ng sa­ri­wang pag­ka­in mu­la sa mga pru­bin­sya tu­ngo sa mga syu­dad at sa pa­gi­tan ng mga pru­bin­sya. Ma­la­ki ang idudu­lot na pin­sa­la ng restrik­syon sa ga­law ng mga magsasaka at manggagawang-bukid sa da­ra­ting na ta­ni­man ng pa­lay at mais.

Pandemya sa gutom at kahirapan, idudulot ng mga lockdown at restriksyon