AFP nagwaldas ng P25 milyon sa 1-araw na atake
Nagwaldas ng P25 milyon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) mula sa pondo ng bayan sa isinagawa nitong pag-atake noong Mayo 14 sa Sityo Hayon, Libas Sud, San Miguel, Surigao del Sur.
Sa isang araw na atake, walong bomba na tig-230 kilo ang ihinulog ng mga pandigmang eroplanong FA-50. Maliban dito ay inistraping ng kalibre .50 masinggan ang lugar, anim na beses na kinanyon at 24 ulit na binomba ng mga helikopter. Hindi bababa sa P22.4 milyon ang ginastos ng militar para rito. Aabot naman sa P2.5 milyon ang ginastos sa pagpapalipad ng mga helikopter at FA-50. Tinatayang P20 milyon pa ang ginastos para sa sahod, pagkain, hazard pay ng may 600 sundalo at pulis.
Ang atake noong Mayo 14 ay bahagi ng 20-araw na operasyong kombat ng militar at pulis sa limang bayan sa hangganan ng Surigao del Sur at Agusan del Sur. Binomba nito ang isang himpilan ng BHB.
Binigyang pugay ng BHB-NEMR ang limang Pulang mandirigma na namatay sa matinding pang-aatake ng AFP. Kasabay nito, kinilala rin ng BHB sa rehiyon ang iba pang mga martir na nag-alay ng buhay sa nakaraang dalawang buwan.