Pro­tes­ta la­ban sa Anti-Ter­ror Bill ni Du­ter­te

,

Nag­ba­lik-lan­sa­ngan ang daan-da­ang ak­ti­bis­ta ma­ta­pos ang ha­los tat­long bu­wang lockdown pa­ra tu­tu­lan ang pa­nu­ka­lang “kontra-te­ro­ris­mo” ng re­hi­meng Du­ter­te. Nag­ti­pon ang isang li­bong ra­li­yis­ta sa loob ng Univer­sity of the Phi­lip­pi­nes (UP)-Diliman sa Quezon City at iba pa sa Laguna noong Hun­yo 4 ha­bang ini­ra­rat­sa­da ang pa­nu­ka­la sa ma­ba­bang ka­pu­lu­ngan. Nag­ka­ro­on din ng mga pagkilos noong Hun­yo 5 sa Iloi­lo, Cebu Baco­lod at Bu­tu­an; at noong Hunyo 6 sa Na­ga at Le­gazpi. Ka­sa­bay din ang ma­ra­ming on­li­ne na po­rum at pro­tes­ta. Sa Ce­bu, bi­nu­wag ng mga pu­lis ang ma­pa­ya­pang pro­tes­ta ng may 40 ak­ti­bis­ta at hi­nu­li ang pi­to sa ka­ni­la.

Una nang ipi­na­sa sa Se­na­do ang Anti-Ter­ror Bill noong Peb­re­ro sa bo­tong 19 sang-a­yon at da­la­wang tu­tol. Ipa­pa­lit ito sa da­ting Hu­man Secu­rity Act at nag­la­la­man ng mas ma­sa­sa­hol na pro­bi­syon kaug­nay ng pang-aaresto nang walang man­dam­yento at pag­bi­bi­lang­go sa si­nu­mang itinuturing ng estado na “te­ro­ris­ta” o su­mu­su­por­ta sa “te­ro­ris­mo.” Ma­ri­in itong ti­nu­tu­lan ng ma­ma­ma­yan du­lot ng na­pa­ka­sak­law na de­pi­ni­syon ni­to ng “terorismo” at “terorista.” Tutol din sila sa dagdag na ka­pang­ya­ri­hang ibibigay ng pa­nukala sa mga pu­lis at sun­da­lo. Ang na­tu­rang pa­nu­ka­la ay ipi­na­lit sa mga unang ini­ha­in ng mga kong­re­sis­ta at ipi­na­rat­sa­da ni Duterte nang wa­lang pi­na­ya­gang am­yen­da. Pu­ma­sa ito sa Kong­re­so noong Hun­yo 3 sa orihinal na botong 173 sang-ayon, 31 na tu­tol, at 29 na absta­in. Dahil sa pagbaha ng pagtutol, bina­wi na ng ilang kongresista ang kanilang pangsang-ayon sa pa­nu­­kala. Ni­tong Hunyo 6, 13 kongresista ang kailangang bumaliktad pa­ra mapigilan ang pagpasa nito sa Malacañang.

Parami nang paraming mga sektor ang nanawagan para ibasura ang panukala. Nangunguna rito ang mga pambansa-demokratikong organisasyon at demokratikong partido sa mababang kapulungan. Nag­pahayag din ng pagtutol ang mga orga­nisasyon ng kabataan, abu­ga­do, mamamahayag, mga taong sim­bahan, mga uni­bersidad ng Ateneo at De La Salle, mga estud­yan­teng Moro, mga grupong sibiko, mga guro ng UP at Far Eastern University, at asosasyon ng mga pribadong paaralan. May pi­nag-i­sang pa­ha­yag na­man ang wa­long or­ga­ni­sa­syon ng ma­la­la­king ne­go­syo, ka­bi­lang ang Ma­ka­ti Bu­si­ness Club. Sa in­ter­net, lu­ma­ga­nap ang mga pa­na­wa­gang #Junk­Ter­ror­­Bill­Now at “Activists are not Ter­ro­rists” (Ang mga aktibista ay hindi terorista) sa ha­nay ng mga ar­tis­ta sa telebisyon at pelikula, musikero, at­le­ta at iba pang per­so­na­li­dad. Nag­paa­bot din ng kri­ti­sis­mo ang Hu­man Rights Watch, ka­sa­bay ng United Nations Hu­man Rights Office pag­ka­ta­pos nitong ilabas ang ulat hinggil sa kalunus-lunos na ka­la­ga­yan ng ka­ra­pa­tang-tao sa Pi­li­pi­nas noong Hun­yo 4.

Ka­sa­bay ng pag­pa­pa­ba­su­ra sa pa­nu­ka­la, ipi­na­na­wa­gan din ng mga ak­ti­bis­ta ang ma­la­wa­kang pag-eek­sa­men (#MassTes­tingNow), at pag­pa­pa­tal­sik kay Rod­ri­go Du­ter­te (#OustDu­ter­teNow).

Palayain ang Ce­bu 8

Bu­mu­hos ang ba­ti­kos sa pag­bu­wag sa pro­tes­ta sa Ce­bu at ang su­por­ta sa ina­res­tong pi­tong ak­ti­bis­ta sa loob ng kam­pus ng UP Ce­bu at isang nanonood lamang. Idini­in ng mga ak­ti­bis­ta at kanilang mga tagasuporta na ba­wal pu­ma­sok ang mga pu­lis at sun­da­lo sa kam­pus, li­ban kung may pa­hin­tu­lot ito ng uni­ber­si­dad, alin­su­nod sa da­ting mga ka­sun­du­an.

Pro­tes­ta la­ban sa Anti-Ter­ror Bill ni Du­ter­te