“Sus­pen­syo­n” ng ter­mi­na­syon ng VFA, hin­di na­ka­gu­gu­lat

,

Hindi na nakagugulat ang “sus­pen­syo­n” ni Rod­ri­go Du­ter­te sa ter­mi­na­syon ng Vi­si­ting Forces Agree­ment na pi­nir­ma­han ni­ya noong Peb­re­ro 14.

Noon pa man, ba­tid nang hin­di ito itu­tu­loy. Nais la­mang ni Du­ter­te na dag­da­gan ng US ang pon­do at ar­mas na ibi­ni­bi­gay ni­to sa kan­yang re­hi­men. Iniat­ras ito ni Du­ter­te ma­ta­pos pi­na­ya­gan si­ya ng US na bumi­li ng ba­gong mga he­li­kop­ter, mi­sayl at iba pang kaga­mitang mi­li­tar na nag­ka­ka­ha­la­ga ng P75 bil­yon.

Ang pag-atras ng pagbaba­sura sa VFA ay ka­rug­tong sa kag­ysat na mga pla­no ng US na lalupang pala­kasin ang pre­sen­sya ni­to sa South Chi­na Sea at ga­mi­tin ang Pilipinas bi­lang ba­se ng ope­ra­sy­on. Ito ay sa ha­rap ng pa­pa­ig­ting na mi­li­ta­ris­mo ng Chi­na at pag­ha­han­da ng US pa­ra sa ge­ra.

Habang nakapokus ang ma­ra­ming bansa sa pag-apula sa pandemyang Covid-19, abala naman ang US sa pagpapaigting sa presensya nito sa South China Sea sa nakaraang tatlong buwan. Noong Abril, dalawang beses itong nagpalayag ng malalaking warship sa karagatan. Regular din itong nagpapalipad ng mga jet fighter. Noong Mayo, nagsagawa ito ng pagsasanay militar, kasama ang mga tropa ng Australia, sa lugar.

"Sus­pen­syo­n" ng ter­mi­na­syon ng VFA, hin­di na­ka­gu­gu­lat