200 dumalo sa kasal sa larangang gerilya

,

Umabot sa 200 residente mula sa iba’t ibang barangay at komunidad ang dumalo sa kasal ng apat na pares ng magkasintahang Pulang mandirigma sa Bukidnon noong Hunyo 11. Saksi ang mamamayan sa pag-iisang dibdib ng mga kasama sa ilalim ng mga patakaran ng rebolusyonaryong gub­yer­no at Partido Komunista ng Pilipinas.

Sa panahong ito rin inilunsad sa prubinsya ang kumperensya ng rebolusyonaryong organisasyong Ka­ba­taang Makabayan (KM). Aabot sa 37 estudyante at kabataan mula sa iba’t ibang bayan, syudad at ko­munidad sa prubinsya ang nakibahagi sa aktibidad.

Itinuon ang kumperensya sa pag­talakay sa mga usaping pambansa, maging yaong mga isyu ng kabataan sa partikular na mga erya ng KM. Nagresulta ang kumpe­rensya sa pagkakatatag ng organi­sasyong kolektibong tutugon sa pandemya at lalaban sa teroristang atake ng rehimeng US-Duterte.

Isinagawa ang kasal at kumpe­rensya sa panahong inaatake ang Bukidnon ng di bababa sa apat na batalyon ng Philippine Army. Nananatiling ligtas ang prubinsya sa Covid-19, ngunit nagpatupad pa rin ng mga hakbang pangkalusugan sa naturang mga aktibidad.

200 dumalo sa kasal sa larangang gerilya