10,000 nagtipon sa base ng CPI-Maoist
Sampung libong mamamayan ang dumalo sa pagtitipon na ipinatawag ng Communist Party of India (CPI)-Maoist sa Bastar sa Chhattisgarh State noong Hunyo 18. Nagtagal nang tatlong araw ang pagtitipon kung saan nag-ulat ang Partido ng mga nakamit na pagkakaisa at mga tagumpay.
Pinasinayaan ang pagtitipon ni Nambala Keshav Rao, ang bagong pangkalahatang kalihim ng Partido kasama ang ibang mga kumander at upisyal ng People’s Liberation Army. Tinalakay niya ang mga opensibang nailunsad ng hukbong bayan sa lugar at ipinakita ang mga armas na nasamsam sa nagdaang mga buwan. Binalikan din sa pagtitipon ang mga plano sa mga kampanya at opensibang ilulunsad sa lugar.
Tinatayang nasa 300 armadong kasapi ng CPI-Maoist at 500 milisya ang nag-asikaso sa seguridad ng pagtitipon.