9 na taga-ulat ng UN, kumontra sa terror bill

,

9 na taga-ulat ng UN, kumontra sa terror bill

SIYAM NA ESPESYAL na komite at taga-ulat ng United Nations ang sumulat kay Rodrigo Duterte noong Hunyo 29 para ipahayag ang kanilang ekspertong opinyon at pagsalungat sa Anti-Terror Bill (ngayon ay Anti-Terror Law). Anila, nilalabag ng naturang batas ang mga internasyunal na alituntunin ng mga karapatang sibil at pulitikal, gayundin ang Unibersal na Deklarasyon sa mga Karapatang-tao.

Partikular na binanggit ng mga espesyal na taga-ulat ang mga probisyon ng batas na lumalabag sa unibersal na karapatan laban sa arbitraryong pang-aaresto at detensyon, kalayaan sa pamamahayag at magpahayag at karapatan para sa mapayapang pagtitipon. Anila, masyadong malawig at malabo ang depinisyon ng terorismo nito. Taliwas ito sa sinasabi ng mga upisyal ng rehimen na “naaayon” ang depinisyon ng batas sa internasyunal na pamantayan.

Binatikos din ng mga upisyal ng UN ang mga probisyong nagbibigay sa sangay ng ehekutibo ng mga awtoridad na nararapat sa mga korte, kawalan ng wastong proseso sa pagsasakdal, ang mga paglabag sa pribasiya at ang arbitraryong paglimita sa mapagkawanggawang aktibidad sa hinalang nakatutulong ito sa “terorismo.”

9 na taga-ulat ng UN, kumontra sa terror bill