Anti-Terror Act of 2020
Ilan sa matitingkad na anti-demokratiko at anti-mamamayang katangian at probisyon nito ay ang sumusunod:
Lubhang malabo na pakahulugan ng terorismo. Ayon sa batas, terorismo ang “sindakin ang publiko,” “lumikha ng takot”, “udyukan ang gubyerno o impluwensyahan ito gamit ang takot” o “seryosong yanigin o sirain ang saligang istruktura sa lipunan, ekonomya at lipunan” at iba pa.
Ang mapatunayang nagkasala ng terorismo ay hahatulan ng habambuhay na pagkabilanggo na walang benepsiyo ng parole.
Seksyon 25
binigyan ng awtoridad ang itatayong Anti-Terrorism Council na magdeklara kung ano at sinong mga indibidwal, organisasyon o asosasyon, lokal o dayuhan, ang “terorista” at ang pag-freezeng kanilang mga ari-arian, nang walang pagpapaalam o prosesong hudisyal.
Seksyon 29
pag-aresto sa mga indibidwal na pinagsususpetsahan pa lamang na gagawa ng mga “krimen ng terorismo,” nang walang mandamyento. Isinasaad din sa probisyong ito ang pagpapalawig ng detensyon na walang kautusan ng isang huwes, at walang hablang isinampa sa korte, ng mula sa dating maksimum na 36 oras na itinakda ng Saligang Batas ay magtatagal ng 14 hanggang 24 araw na pagbimbin sa isang suspetsado.
Kasama sa “terorismo” ang anumang gawain, nagawa na o kahit pinaplano pa lamang:
- Anumang gawaing “may hangaring “pumatay o puminsala sa sinuman,” “sumira sa pasilidad pampubliko o ari-ariang pribado” o “puminsala sa kritikal na imprastruktura.” (habambuhay)
- “Pagbabanta na gumawa ng terorismo” (12 taon)
- “Pagplano, pagsasanay, paghahanda o pagbibigay-daan sa terorismo” kabilang ang paghahanda ng dokumento.”
- “Pakikipagsabwatang gumawa ng terorismo” (habambuhay)
- “Pagpapanukalang gumawa ng terorismo” (12 taon)
- “Pang-uupat na gumawa ng terorismo” sa anyo ng pagsasalita, pagsusulat o pagdodrowing (12 taon)