Comrade Zia, sulo ng uring proletaryado sa Afghanistan

,

 

Nagpahayag ng pakikiramay ang Partido Komunista ng Pilipinas sa proletaryado at mamamayan ng Afghanistan sa pagpanaw ni Comrade Zia, 68, tagapangulo ng Communist (Maoist) Party of Afghanistan (CMPA).

Gumampan ng susing papel si Comrade Zia sa paglaban sa imperyalistang panghihimasok at okupasyon ng US sa Afghanistan noong 2001. Pagkatapos ng tatlong taon, inorganisa niya ang Unity Congress na nagbuklod sa tatlong Maoistang kilusan sa Afghanistan at nagresulta sa pagtatatag ng CMPA. Dalawang beses na nahalal si Comrade Zia bilang tagapangulo nito.

Sa loob ng dalawang dekada, pinangunahan ni Comrade Zia ang paghubog at pagpapatalas ng linya sa ideolohiya at pulitika ng CMPA. Nagsulat siya ng daan-daang mga rebolusyonaryo at teoretikal na mga artikulo hinggil sa mga isyung kinahaharap ng CMPA at ng internasyunal na kilusang komunista.

Comrade Zia, sulo ng uring proletaryado sa Afghanistan