Pagtutol sa Terror Law, lumalawak
Pinangunahan ng Movement Against Tyranny at Concerned Lawyers for Civil Liberties ang pagtitipon sa tanggapan ng Commission on Human Rights sa Quezon City noong Hulyo 11 laban sa Anti-Terror Act.
Kasama ang grupo sa nagsampa sa ika-10 petisyon sa Korte Suprema noong Hulyo 19 para sa pagpapawalambisa sa batas.
Noong Hulyo 16, naglabas ng pastoral letter ang Catholic Bishops Conference of the Philippines na nagpahayag ng “pagkaalarma” sa probisyon nito para sa walang mandamyentong pang-aaresto at detensyon. Binanggit ng simabahang Katolika na marami sa mga pari at obispo nito ang inaakusahang mga “komunista” at sa gayon ay “terorista” dahil sa isinusulong nilang mga layunin.
Samantala, 45 mambabatas sa US ang nananawagan para sa kagyat na pagpapawalambisa sa batas. Anila, gagamitin lamang ito ni Duterte para higit pang supilin ang mga ordinaryong Pilipino. Isinumite ng mga mambabatas sa embahada ng Pilipinas sa US ang kanilang sulat noon ding Hulyo 16.