Pagbagsak ng ekonomya, pinakamalala sa 4 na dekada

,

BUMAGSAK NANG 16.7% ang halaga ng lokal na produksyon (gross domestic product o GDP) sa ikalawang kwarto ng 2020. Ito na ang pinakamatarik na pagsubsob ng ekonomya sa nagdaang 36 na taon.

Ang pagbagsak ng ekonomya ay kasunod ng pinakamahabang lockdown sa buong mundo na ipinataw ni Duterte dahil walang maagap at tamang pagharap sa pandemya. Ang pagbagsak na ito ay pinakamatarik sa Asia, at nakamamatay sa maraming manggagawa at negosyong Pilipino.
Mas malala ito kumpara sa 10.7% na pagbulusok ng GDP noong 1984, dalawang taon bago bumagsak ang diktadurang Marcos.

Kasabay nito, bumilis ang pagtaas ng presyo ng mga bilhin matapos ideklara ang ikalawang enhanced community quarantine.

Pagbagsak ng ekonomya, pinakamalala sa 4 na dekada