Pagtatayo ng mga detatsment sa NCMR, binatikos

,

PARANG MGA KABUTENG nagsusulputan ang mga detatsment ng militar sa Northern Mindanao sa gitna ng pandemya. Imbes na mga barangay health clinic, anim na detatsment ang itinayo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa nakaraang limang buwan. Ang mga ito ay nasa Barangay Durian, Las Nieves, Agusan del Norte; Balagnan, Esperanza, Agusan del Sur; Sityo Kipunay, Eureka, Gingoog City, Misamis Oriental; Sityo Pangagpungan, Kalabuan, Esperanza, Agusan del Sur; at sa Sityo Mahayag, Namnam, San Fernando, Bukidnon. Walang kakayahan ang mga barangay na ito laban sa Covid-19 at nakaasa sa kalakhan ang mamamayan dito sa mga boluntir para sa kanilang mga medikal na pangangailangan.

Sa isang pahayag, binatikos ng Rebolusyonaryong Organisasyon sa Lumad (ROL) sa rehiyon ang nagpapatuloy na militarisasyon sa mga komunidad ng Lumad. Wala silang nakikitang “bagong normal” sa teror, gutom at hirap na dala ng paghahari ni Duterte at ng kanyang AFP. Sa ngayon, mayroong 16 batalyon sa rehiyon at 189 detatsment ng militar. Ang 163 rito ay mga detatsment ng CAFGU, na kalakha’y mga magsasakang pwersahang nirekrut ng AFP.

Pagtatayo ng mga detatsment sa NCMR, binatikos