SONAng walang kwenta

,

IBINIGAY NI DUTERTE ang kanyang SONA alas-4 ng hapon sa harap ng 29 kongresista at walong senador. Hindi inimbitahan sa bulwagan ang bise-presidente na si Leni Robredo habang ang lahat ng iba pang kongresista at senador ay nakibahagi sa pamamagitan lamang ng internet.

Ginamit ni Duterte ang pagkakataon para atakehin ang kanyang mga kalaban sa pulitika. Wala sa kanyang talumpati ang pakikiramay o kahit interes man lamang sa kalagayan ng mga magsasaka, manggagawa at ibang sektor at uri na pinahirapan ng kanyang inutil, militarista at palpak na tugon sa pandemya.

Tumanggi siyang sitahin ang China sa papatinding panghihimasok nito sa mga teritoryong dagat ng Pilipinas sa South China Sea at sinabi na lamang na “inutil” siya rito. Imbes na mga hakbang kontra-pandemya, muli niyang binuhay ang pagpapataw ng parusang kamatayan, pagbibigay ng mga insentiba sa mga korporasyon at pagpapalawig ng kanyang emergency powers para makapagkamal ng dagdag pang kurakot.

SONAng walang kwenta