22 kasapi ng Partido sa Samar, nakapagtapos ng BKP

,

Sa kabila ng tuluy-tuloy na operasyong militar sa isla ng Samar, 22 kasapi ng batayang organisasyon ng Partido sa baryo at komite ng Partido sa seksyon ang matagumpay na nakapagtapos ng Batayang Kurso ng Partido (BKP) noong Hunyo.

Pinangunahan ng komite sa larangan ang paghahanda para sa pag-aaral. Dahil hindi kakayanin ang konsentradong aktibidad dulot ng sitwasyong militar, napagpasyahan na gawing staggered o tilad-tilad ang talakayan. Ang mga sesyon ay inilulunsad dalawa hanggang tatlong beses kada linggo. Dalawa ang prinsipal na instruktor habang apat naman ang naghati-hati sa ilang bahagi ng BKP.

Ang mga pag-aaral ay tuwing ala-6 hanggang alas-9 ng gabi, upang hindi mahirapang dumalo ang mga mag-aaral. Ayon kay Ka Gary, isa sa mga instruktor at kasapi ng komiteng larangan, bahagi ang pag-aaral sa gawaing konsolidasyon sa seksyon upang makatulong sa mga estudyante sa pamumuno nila sa baryo. Sa pamamagitan din nito, nareresolba ang mga panloob na suliranin na kinakaharap ng pamunuan at gayundin, sa pagitan ng mga tagabaryo.

22 kasapi ng Partido sa Samar, nakapagtapos ng BKP