Julie de Lima, pansamantalang pinuno ng NDFP peace panel

,

Itinalaga noong Agosto 19 ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) bilang pansamantalang pinuno ng negotiating panel nito si Julieta de Lima bilang panghalili sa yumao nitong pinuno na si Fidel Agcaoili.

Ayon kay NDFP chief political consultant Jose Ma. Sison, si de Lima ang pinaka-nakatatanda sa mga tauhan nito sa labas ng bansa para ipagpatuloy ang pakikipag-ugnayan sa mga tagapamagitan sa peace panel.

Hindi nagmamadali ang NDFP na punan ang nabakanteng mga pusisyon ni Agcaoili, gayundin ni Randall Echanis na pinaslang noong nakaraang linggo. Ani Sison, “may panahon ang NDFP na muling buuin ang mga working committee bago muling magsimula ang usapang pangkapayapaan, malamang kung wala na si Duterte sa poder.”

Dating pinamumunuan ni Agcaoili ang Joint Secretariat at Joint Monitoring Committee sa ilalim ng Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL).

Julie de Lima, pansamantalang pinuno ng NDFP peace panel