Abot-langit na presyo ng dayuhang mga gamot

,

Mas marami ang gawa ng mga dayuhang kumpanya sa lahat ng kategorya ng gamot (antibiotic, kontra-altapresyon, kontra-kanser at iba pa) kumpara sa mga lokal na kumpanya. Sa pangkalahatan, ibinebenta ang mga ito nang 30%-80% na mas mahal sa mga generic na gamot.

Dagdag sa napakatataas nang presyo ang 25%-45% na patong ng lokal at dayuhang mga distribyutor para sa mga gamot na may orihinal na tatak at halos 60% sa mga generic na may tatak (branded generic). Resulta nito ang halos isang libong ulit na mas matataas na presyo ng gamot sa Pilipinas, kumpara sa ibang bansa sa Asia.

Halimbawa nito ang isang bote ng 150mg na 100 tableta ng Zantac (gamot sa ulser) ng GSK na nagkakahalaga ng $95 sa Pilipinas habang $3 lamang ito sa India.

Monopolisado rin dng mga dayuhang kumpanya ang mga diagnostic agent (mga gamot at kemikal na pantulong para sa pagtukoy ng sakit).

Abot-langit na presyo ng dayuhang mga gamot