Protesta sa Bantayog ng mga Bayani
Mahigit 500 aktibista at tagapagtaguyod ng karapatang-tao ang nagtipon sa Bantayog ng mga Bayani noong Agosto 31 bilang paggunita sa Araw ng Pambansang mga Bayani.
Kinundena nila ang tuluy-tuloy na atake ng rehimen sa mga aktibista, kilalang kritiko ng gubyerno at mga kasapi ng oposisyon.
Bitbit din nila ang panawagan para sa malalim at independyenteng imbestigasyon sa magkakasunod na pamamaslang sa mga aktibistang sina Randall Echanis, Zara Alvarez, Carlito Badion, Jory Porquia at iba pang biktima ng ekstrahudisyal na pamamaslang.
Kasabay nito, inalala rin ng iba’t ibang sektor ang pakikibaka ng mga martir ng sambayanan na nag-alay ng buhay para sa bayan. Pinarangalan nila ang mga manggagawang pangkalusugan at mamamayang patuloy na nakikibaka sa gitna ng pananalasa ng pandemyang Covid-19 at pasismo ng rehimen.