Pemberton, binigyan ng pardon at nakauwi na sa US
Gulat at galit ang sumalubong sa paggawad ni Rodrigo Duterte ng presidential pardon o absolutong pagpapatawad noong Setyembre 6 kay Joseph Scott Pemberton, ang sundalong Amerikanong pumatay sa transgender na si Jennifer Laude noong 2015. Kalahati pa lamang sa 10-taong sentensya ang naging haba ng kanyang pagkakabilanggo.
Sa pahayag nito noong Setyembre 7, tinawag ng Partido Komunista ng Pilipinas ang pagpapatawad bilang pangangayupapa ni Duterte sa gubyerno at militar ng US, inhustisya sa pamilya ni Laude, at pagtatraydor sa mamamayang Pilipino.
Bago ang pagpatawad kay Pemberton, mayroon nang 10 naiulat na krimen ang mga sundalong nasa bansa na nakapailalim sa Visiting Forces Agreement. Liban sa isang kaso ng panggagahasa noong 2005, lahat ng mga kaso na ito ay hindi umabot sa mga korte.