Ika-48 taon ng batas militar, ginunita

,

Naglunsad ng mga pagkilos ang iba’t ibang organisasyon noong Setyembre 21 bilang paggunita sa ika-48 taon ng pagpapataw ng batas militar ng diktadurang Marcos noong 1972. Mahigit 2,000 ang nagprotesta sa University of the Philippines-Diliman sa Quezon City sa ilalim ng temang “Labanan ang tiraniya! Patalsikin si Duterte!” Anila, hindi kaiba ang lagim na nagaganap sa kasalukuyan sa ligalig sa ilalim ng diktadurang Marcos.

Nagkaroon ng katulad na mga protesta sa Naga City, Legazpi City at Sorsogon City. Sa Iloilo City, dumalo sa aktibidad ang meyor ng syudad na si Mayor Jerry Treñas na iligal na inaresto noong batas militar. Aniya, kailangan ng mas maraming aktibista upang depensahan ang demokrasya at karapatan.

Nagkaroon din ng pagkilos sa Baguio City, Angeles City, Davao City, Cebu City, Capiz, Kabankalan sa Negros at sa mga komunidad sa Kalibo at New Washington sa Aklan.

Sa ibayong dagat, nag-alay ng kandila ang mga kasapi ng Bayan-USA at Malaya Movement sa US Capitol, Washington DC, para sa lahat ng biktima ng diktadurang Marcos at pasistang rehimeng Duterte.

Ika-48 taon ng batas militar, ginunita