Kagubatan, winasak sa pambobomba ng AFP

,

Nitong nagdaang dalawang taon, walang awat ang paggamit ng rehimen ng mga eroplano at helikopter na mula sa US sa pambobomba ng mga sibilyang komunidad. Nagdudulot ito hindi lamang ng matinding teror sa mamamayan, kundi malaking pinsala rin sa kagubatan.

Nitong Oktubre, inilabas ng Bagong Hukbong Bayan-Surigao del Sur ang mga larawan ng wasak na kagubatan dulot ng walang patumanggang pambobomba ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Bago nito, iniulat ng mga yunit sa prubinsya ang apat na pambobomba na isinagawa ng Eastern Mindanao Command noong Mayo at Hulyo. Gamit ang mga eroplanong FA-50, mga helikopter na AgustaWestland at MG-520, mga kanyon at drone, binomba ng militar ang mga barangay ng Libas Sud at Siagao sa San Miguel noong Mayo 14 at 18; Diatagon sa Lianga noong Hulyo 7; at Anahaw Daan sa Tago noong Hulyo 14.

Okupado ng 401st, 402nd at 901st IBde ang mga baryo sa Cortez, Lanuza, Carmen, Cantilan, San Miguel, Tago at Lianga.

Kagubatan, winasak sa pambobomba ng AFP