Matagumpay na barikada sa Lupang Ramos
January 07, 2021
Napaatras ng barikadang bayan ng mga magsasaka at tagasuporta sa Lupang Ramos, Dasmariñas City, Cavite ang bantang pagpapalayas sa mga residente ng mga ahente ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP). Nagsimula ang dalawang araw na barikada noong Disyembre 21.
Tatayuan ng mga poste ng kuryente ang 372 ektaryang lupa ng mga magsasaka. Simula 2014 ay nais nang pasukin ng NGCP ang Lupang Ramos na magiting na nilabanan ng KASAMA-LR.
Matagumpay na barikada sa Lupang Ramos